Kabanata 13

1395 Words

"Anak, Lara. Hindi ka ba papasok sa trabaho hija?" Naalimpungatan si Lara at napabalikwas ng bangon ng gisingin ng Tiyahin. Lara: "Anong oras na po?" Tiya Vina: "Abay alas otso na. Anong nangyari sa mga mata mo umiyak ka ba?" Mabilis na umiling si Lara. "Napuyat po ako sa binabasa kong libro." palusot nya sa tiyahin. "Hindi naman ganyan ang mata ng puyat. Kung hindi ka papasok sa trabaho, wag kana muna bumaba. Gusto mo ng gatas?" Lara: "Salamat Tiyang, pero ako na po. Babangon na ako, sabay tayo mag-almusal." "Mabuti pa nga. Nasa kusina din ang iyong Mama. Halika na sabay-sabay tayong kumain." nakangiti nitong sabi bago lumabas ng kwarto. Saglit na hindi kumilos si Lara. Ilang araw na silang hindi nagkikita ng kanyang Mama. Siguro naman hindi ito magagalit kung babatiin nya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD