Bawat pagkakataon na meron si Sione upang mapigilan ang pagbabati ng magkasintahang Cave at Lara ay hindi nya pinalalampas. Ginagamit nya ang katawan upang palagi syang piliin ng binata. Bagaman unti-unti nyang nilalason ang utak ni Cave, oras at atensyon lamang ang nakuha nya mula rito. Si Lara naman, tiniis din at kinalimutan pansamantala ang nobyo. Hindi nya na din kasi ito matawagan sa cellphone at ayaw na nyang puntahan ulit ito para muling magpakumbaba. Lara: "Siguro ayaw nya na talaga akong makausap. Ang hirap lang kasi...hindi ko manlang alam ang dahilan ng panlalamig nya. Tapos wala akong ibang mahingan ng payo kung tama ba na tumigil na nga ako sa pag-aaral. Ayaw ko na sana magsabi sayo dahil alam kong may sarili ka ring problema." Nalungkot si Jasmine para sa kaibigan. Masya

