Sa kabila ng planong huminto na sa pag-aaral, regular na pumapasok parin si Lara. Nagdadalawang isip kasi sya lalo nang makausap ang kanyang Professor. Pinayuhan sya nito na kung maari ay muli itong pag-isipan. "Masasayang ang dalawang taong pagsisikap mo Miss Delgado. Bakit hindi mo subukang kausapin at paliwanagan ang iyong Mama tungkol dito? Isipin mo lahat ng paghihirap at ilang buwan nalang third year kana. Nakakapanghinayang naman." "Susubukan ko pong kausapin ang Mama ko. Salamat po." magalang nyang tugon. Pero sa totoo lang ay ayaw nyang kausapin ang Mama nya tungkol sa bagay na iyon. Alam nyang magagalit lamang ito at mauuwi na naman sa away kapag kinampihan sya ni Tiya Vina. Malalim ang buntung-hininga na napasandal na lamang sya sa kinauupuan. ...... "Hindi pa rin ba kayo

