CHAPTER 9

2772 Words
“unsa man ‘tong akong nabalitaan na nag-away na pud mong inday Kristine ha?” narinig niyang sabi ng tito niya kay Kiel na kakauwi lang. Hindi niya naintindihan ang mga pinagsasabi ng mga ito kaya lumapit siya sa mama niya. “ma! Ano po sinasabi ni tito? Hindi ko maintindihan eh.” “ang sabi ng tito mo. Ano daw iyong nabalitaan niyang nag-away na naman sila ni Kristine at si Kiel.   Hindi ko alam, kung ano ang dahilan na may palaging away na nangyayari sa pagitan ng dalawa eh.  Mabait naman si Kristine, itong si Kiel yata ang may deperensiya sa pag-uugali. Hindi ko alam kung saan nagmana ang batang ‘yan.” Tumango lang siya. Unang beses niya pa lang makita si Kiel, iba na talaga ang ugali nito. Lalaki ba ang dahilan ng pag-aaway nina Kristine at Kiel? Sino naman ang pag-aawayan ng dalawa? Wala namang lalaking kasama si Kristine bukod kay Midnight na kaibigan nito. Ang tanong niya din, wala bang bahay ‘yong dalawang lalaki? Bakit sila nakikitirang dalawa sa bahay nina Kristine? ayos lang ba sa nanay ng dalaga na may dalawang lalaking kasama ang anak nitong babae? Hindi ba iyon malaking isyu? Hindi ba pangit tingnan na sa iisang bahay lang? hindi nga siya bahay na maituturing kundi kubo na. Ang liit kasi ng bahay ng mga ito. Paano kaya magkakasya ang mga tao sa bahay na iyon? “may pag magkaws  mog  tubig didto! Wala na tay  tubig.” Ani ng tiyuhin niya. “ano iyong magkaws ma?” tanong niya sa mama niya na nakaupo lang sa may gilid ng bahay. “magkaws, ibig sabihin ay mag-igib ng tubig.” Tumango siya, iyon pala ang tagalog ng magkaws, ngayon alam na niya.  Mukhang kailangan niya yatang matutunan ang lengwahe ng nanay niya. Siguro maganda din kapag marami kang lengwahe na alam di’ba? Kung saang lugar ka pupunta hindi kana mahihirapan sa pakikipag-usap sa iba dahil alam mo ang lengwahe nila. Ang goal niya ay matuto sa lengwahe’t simula sa araw na ito, kailangan may alam siya kahit isang sentence o salita man lang. Ang unfair lang kasi na ang mga taga probensiya nakakaintindi sa wikang tagalog ‘tapos siya na taga Maynila ay walang alam kahit isang salita man lang. Hindi siya makakapayag na hindi niya matutunan ang wikang bisaya. Kailangan niyang matutunan kahit paunti-unti. Ang problema naman ay hindi siya  tinuturuan ng mama niya. Sinong pwedeng magturo sa kaniya? hindi din naman pwede ang dalawa niyang pinsang babae, busy ang mga ito sa gawaing bukid. Kagaya na lang ngayon na dapat trabaho ng lalaki ang mag-igib ng tubig pero siya nakatunganga lang. Kailangan may gawin siya. Kailangan niyang mag-igib din ng tubig para may mainom sila. Ang lagkit na din ng katawan niya dahil walang tubig sa lugar na napuntahan nila. Hindi siya nakakaligo kaya nagbibihis na lang siya. Akala nga niya ay sasabihan siyang mabaho ng mga taong nakapaligid sa kanila pero hindi, wala siyang narinig na mga salita mula sa mga bibig ng mga ito.  Hindi niya alam kung hanggang saan ang kaya niya? Makakatiis kaya siya sa ganitong lugar kung walang sapat na tubig na maiinom. Makaka-survive kaya siya? Hindi niya alam kung bakit may mga lugar sa mundo na walang tubig kagaya ng montilla. Aasa na lang ba ang mga tao sa tubig ulan? Wala man lang bang nakakaisip na manghingi ng tulong para lagyan ng patubig ang lugar na ito? Saan naman sila makakahingi ng tulong? Kung meron nga kayang tutulong sa mga taong ito? Masasanay na lang ba ang mga taong ito na ganito lang ang  pamumuhay? Walang sapat na tubig pangsaing, pangligo at iba pa. may sapa naman kaya lang ang tanong, malinis ba ang sapang iyon? Baka may mga hayop sa taas ng bundok at tumatae’t umiihi sa sapa mas delikado iyon. Magkakakasakit pa ang mga taong iinom sa sapa. Ang mga tao sa bundok na ito ay marurumi rin, at pati siya.  Kahit siguro kailan, hinding-hindi niya magugustuhan ang lugar na ito dahil sa mga taong nakatira. Hindi man lang ba nangarap ang mga taong ito na gawing maganda ang lugar, kahit walang kuryente ayos lang basta may sapat na pagkukunan ng tubig. Aanhin ang kuryente kung wala naman kayong tubig. Kung meron man, sobrang layo at tiyaga sa pag-igib ng tubig.  “sama ka, Daniel!” sigaw ng pinsan niyang si Melrose. Tumango siya sa sinabi nito. Hindi naman tama  na pabayaan niya ang mga pinsan niyang babae na mag-igib ng tubig. Paano kung may mga taong masasama sa daan? Paano kung may mga ahas? Bakit niya ba naiisip ang mga ganoong bagay? Walang masasamang tao sa lugar na ito. Walang rebeldeng nakatira sa bundok di’ba? Sino namang masasamang tao ang nakatira dito? Anong kukunin ng mga masasamang taong iyon kung wala ngang tubig. Isa pa, kahit siya ayaw niyang tumira sa lugar dahil hindi siya sapat na lugar para pagtaguan ng mga masasamang nilalang. Masiyadong open ang lugar. Kapag may mag-landing na helicopter maraming pag-landingan dahil sa malawak ang lugar. Hindi naman  kalbo ang kagubatan, wala lang talagang kahoy sa banda nila. Dahil siguro iyon sa mahilig sa mag-uling mga tao na hindi naman dapat. Mga ipil-ipil na hindi dapat pinuputol. Karamihan sa mga nakikita niyang puno ay, ipil-ipil, doldol, jemelina. Iyan lang ang klaseng puno na nakikita niya. Kung nagtatanong kayo ng punong namumunga. May mangga, iba’t-ibang klase ng mangga ang nakikita niya. Habang naglalakad sila ay may nakita siyang manggang paho, malapit sa bahay ng pinsan niya at katabi nito ay ang puno ng niyog na hindi straight ang kundi balikog. Hindi nga niya malarawan eh, dahil kung galing ka sa ugat paakyat straight pa siya pero, kapag nasa gitna ka, pababa konti tapos paakyat ulit bago ka makakuha ng bunga. Ang hirap namang akyatin niyan. Napatingin siya sa manggang maraming hinog kaya lang nahuhulog lang. “ang sarap naman niyan…sayang.” Aniya. “gusto mong kumain? Bakit hindi ka nagsabi? Masarap ‘yan, mabuhok nga lang.” ani naman ng pinsan niyang si Melrose na nakatingin sa kaniya. “talaga?” tumango ito. Ang nagdala ng mga galloon ay ang mga pinsan niyang babae. Gusto din sana niyang magdala pero ang sabi ng dalawa ay mamaya na lang kapag may laman na. Tumango  na lang siya ng sinabi nito. “Kung gusto mo, may manggang apple do’n sa pinsan nila Kristine. Gusto mo? manghingi tayo.” anito na may malaking ngiti. napakagat labi na lang siya nang marinig ang manggang apple na sinasabi nito. hindi pa siya nakakakita ng puno ng manggang apple sa personal sa tanang buhay  niya. ngayon mararanasan na niya at excited siyang makita ang manggang iyon. tumango siya sa sinabi nito at naglalaway na din. ang sarap kaya  ng manggang apple. “bilisan natin.” aniya’t nauna pa sa pinsan niyang maglakad. “mananghid sa ‘ta sa tag-iya.” anito kaya kumunot noo niya dito at napailing. napahinga na lang siya ng malalim. wala siyang maintindihan sa sinasabi nito sa kaniya. “ang ibig kong sabihin, manghingi ng permeso sa may-ari.” translate nito sa sinasabi nito sa kaniya kanina. “alam mo kasi, kailangan ka ng matuto na magbisaya dahil mahihirapan kang makipag-communicate sa amin. nakakaintindi naman kami ng bisaya kaya lang, hindi lahat nakakapagsalita ng tuwid na bisaya.”   “alam ko naman iyon, dahil kayo na mismo ang nag-adjust para magkaintindihan tayo.” aniya dito, tama naman kasi ang sinabi niya, sila ang nag-adjust para sa kaniya. hindi madali ang magsalita ng dalawang lengwahe sa iisang sentences. Dahil alam niyang may mga bisaya words na mahirap isalin sa tagalog. napatingin siya sa unahan at may nakita siyang bahay. iyon siguro ang sinasabi nila na pinsan nina Kristine. “ang hirap naman, nakakapagod maglakad sa totoo lang.” napatingin siya sa kaliwa at may nakikita din siyang bahay na natatabunan ng mga saging. naglalaway siya sa mga saging na nakapalibot sa bahay. nang makalapit sa kaniya ang pinsan niya ay nakita siya nito na nakatingin sa  mga saging. “mukhang naglalaway ka sa mga nakikita mo ah?” “hindi ba nila kinukuha iyan? tingnan mo oh… nahihinog na lang sa puno.” “mas masarap yan dahil hindi nilagyan ng kalburo.” “talaga?” tumango ito sa sinabi niya. “masarap din naman iyong saging na kinain natin ah.” nakakatakam naman. “ang dami ring malunggay sa gilid ng daan. may mga pinya din.” “gusto mo?” gusto niyang sumagot ng oo kaya lang nakakahiya naman kung hihingi sila. pwede naman siguro silang bumili di’ba? “mamaya, manguha tayo ng pinya sa baba at butong.” anito. “anong butong?”                                                                                                               “niyog.” “ah… okay… sige sabi mo eh.. may mga pinya kayong tanim?” “meron… may mga saging din kaming tanim.. marami nga eh… tapos may ube, may kamote… gusto magpreto tayo ng kamote?” iniisip pa lang niya na piprituhin iyong kamote parang natatakam na siyang tikman. Malalaki kaya ang mga kamote na tanim ng mga ito? ano kayang kulay ng tanim na iyon? “masarap iyon dahil tapol.” “anong tapol?” “hirap naman taga sabi ko kailangan ko magtranslate. Tara na nga…” anito napatingin siya sa unahan mas nauna pa si Kiel sa kanila. Ang bilis naman maglakad ng babaeng iyon. “tingnan mo.” sabay turo nito sa puno ng mangga na nasa malapit lang ng bahay. napanganga siya na nakikita. naglalaway na siya, gusto niyang tikman iyong manggang iyon. Ang daming bunga, mukhang nagkamali siya sa sinabi  niya kanina. Gusto na niyang manirahan dito. Sa maynila kasi, binibili ang mga iyan. Walang tanim bakuran nila, malaki naman bahay nila kaya lang, walang mga prutas na tanim. Mahirap kasi kapag may tanim ka doon tapos dikit-dikit mga bahay, nakakaperwesyo iyon ng mga kapitbahay at sagabal ang mga puno sa kable ng kuryente, Kaya nga pinuputol eh. Dito sa mantilla walang kuryente kaya walang sagabal na mga puno. May naririnig naman siyang tugtog kaya lang sa malayo pa. “hoy! napaghahalataan  na  naglalaway ka diyan.” ani ng pinsan niya. “ang sarap kasi, tingnan mo.” sabay turo niya sa manggang nasisinagan ng araw at kumikislap sa kaniyang paningin tapos ang presko ng hangin at sumasabay ang mga dahon ng mangga. napatingin siya sa babaeng kakalabas lang ng bahay. “oy! Melrose… kumusta?” “okay lang… ikaw?” “okay lang pud.. mangabo mo ug tubig?” napatingin siya sa pinsan niya at nakita niyang tumango ito. “maayo…” “gani man… naa imong papa o imong mama diha?” “na… wa ra ba gyud uy… ngano man? naa sila didto sa ubos ay… nagpugas guro tu sila.. nga man?” “mangayo unta ko ug manggang apple ba… para ani.” sabay turo sa kaniya. Sa totoo lang wala talaga siyang maintindihan. “ay… taud-taod naa nato sila mama… pangabo sa mo ug tubig layo ra ba to. naa didto banda sa ilong-ilong.” “gani man uy… sige una sa me.” “ge… ayo-ayo.” anito naglakad na pinsan niya at agad naman siyang nakasunod pero mata niya napapatingin sa mangga. “lantaw ug dalan dong… mapandol gani ka.” ani ng pinsan niya. ito na naman po sila, nagsasalita na naman ang pinsan niya sa ibang lenggwahe na ito lang din naman ang nakakaintindi. “sorry… sabi ko, tingin sa daan baka matapilok ka.” “ay… babae lang naman ang natatapilok.” aniya. Kaya lang ilang saglit ay naapakan siyang bato na siyang nagpawala ng balance niya kaya muntik na siyang matumba.   tumawa ang pinsan niya. “karma is a b***h nga talaga.” anito at tinuturo siya sabay takbo paakyat ng daan. ang hirap naman at nakakapagod na paakyat. iyong pinsan niya parang wala lang kung tumakbo sa daan na paakyat at siya naman hingal na hingal. “babae ba talaga mga pinsan niya? parang mas malakas pa sa kaniya eh… kung bubuhat siguro ng mga mabibigat na mga bagay ang mga pinsan niya parang wala lang siguro sa mga ito.” aniya habang naglalakad. may lalaki kayang magmamahal sa mga babaeng iyon? sino naman ang magkakamali? mas brusko pa ang pangangatawan ng mga ito kesa sa kaniya. oo nga naman, hindi naman pwedeng ikumpara ang maynila sa probensiya dahil magkaiba ang dalawang iyon. mahal ng bilihin doon at halos lahat binibili eh, dito hinihingi lang at kumukuha lang sa tabi-tabi. Ang malunggay dito nasa harapan mo lang sa kanila, ten pesos ang bawat tali. Dito, halos ipamigay na lang sa dami. Sa kanila, kailangan nila ng aircon dahil mainit sa gabi. Dito, liparin ka ng hangin dahil sa sobrang lakas. Kapag wala namang hangin, ipinagtataka niya lang bakit nagkukuyakoy ang mga pinsan niya. Para saan iyon? tapos bigla na lang hahangin ng malakas. Diba bawal iyon dahil nagtatawag iyon ng sakit? Bakit parang kabaliktaran ata sa kanila? sabi ng mga pinsan niya. ‘instant electric fan’ daw ginagawa  nila. Anong koneksiyon no’n sa electric fan at sa kuyakoy?  Hindi niya maintindihan. binabaliwala na lang niya. “bagal mo naman!” sigaw ni Kiel sa kaniya. naghihintay pala ito sa kaniya kasama si Melrose. Nginitian siya ni Melrose at tinanguan, sana pala hindi siya sumama kung sigaw-sigawan lang siya. Ang sama talaga ng ugali ng babaeng ito. Kaya siguro mainit ang ulo dahil napagalitan na naman ito ng tiyuhin niya dahil na din sa ugali nito. tsk. Sigurado walang magtatagal na tao sa babaeng ito dahil sa ugali na hindi makain ng aso. Mabait naman ang tiyuhin niya at ang nanay nito. Iba din ang ugali ni Melrose dito. Ampon yata ang babaeng ito eh, dahil ang ugali ibang-iba sa ugali ng mga magulang nito. Sumunod na lang siya. malayo pa ba sila? napatingin si Melrose sa kaniya at huminto ito. “pagpasensiyahan mo na kapatid ko at mainit ang ulo.” sumabay na siya sa paglalakad. “ganiyan ba talaga ugali niya?” umiling ito. “nagbago lang ugali niya dahil nagkakagusto na sa lalaki.” “di’ba dapat baguhin niya ugali niya? bakit parang kabaliktaran ata?” tumawa ito. “hindi kasi pinapansin ng crush niya kaya siya nagkakaganiyan.” “sino naman ang crush niya?” kahit naman kilala niya kung sino hindi na lang siya kumibo. halata naman kasi kung sino ang gusto nitong lalaki at alam din ng mga magulang nito. huminga na lang siya ng malalim. “kilala mo kung sino.” “ahh.. si Midnight ang ibig mong sabihin.” tumango ito at ngumiti. “bakit naman siya magkakagusto sa lalaking iyon? halata naman na babaero iyon.” aniya. Kilos pa lang ng lalaking iyon ay babaero na. “Isa pa, mukhang may tama yata iyong lalaking sa iyo.” “ah… nanliligaw iyon sa akin kaya lang may boyfriend ako eh.” “akala ko si Jake ang gusto mo? bakit ka naman may boyfriend? ang gulo niyo naman.” “magulo ba? parang hindi naman eh. isa pa, si Jake crush ko lang naman siya pero hindi ko siya mahal. Porke’t ba may boyfriend na ako hindi na ba ako pwedeng magkaroon ng paghanga sa iba? bawal na ba iyon? cheating na ba ang tawag doon? ganoon ba dapat ako ka-loyal sa boyfriend ko? isa pa, open naman kami sa isa’t-isa basta ang relasiyon pa din naman namin ang mauuna sa lahat. Hindi pa din siya mapapalitan.” “ah… ganoon ba.” bakit parang ang komplekado yata ng buhay ng mga ito? “isa pa, si Midnight may girlfriend din iyon no! madami ngang girlfriend  iyon eh.” “sana all maraming girlfriend.” “nako! bawal sa iyon para sa iyo kung hindi mo kayang mag-handle at wala kayong tiwala sa isa’t-isa.” “yeah…” Nag-uusap lang sila habang naglalakad at walang bahay silang nadadaanan at hindi mainit dahil mapuno sa bawat gilid. Nakakatakot lang kapag may ahas silang nakikita. “ikaw , may girlfriend ka na ba? o di kaya ay nililigawan?” tanong nito. napatingin siya sa kanang parte at may nakita siyang sapa na kumikislap dahil nasisinagan ng araw. “wala pa pero malapit na rin magkaroon.” “sino?” “secret iyon…” aniya at ngumiti ng matamis sa pinsan niya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD