CHAPTER 33 NANG MAGISING si Casey araw ng Linggo ay wala na sa tabi niya si Zyra. Bakante ang kama nito at wala rin tao sa loob ng banyo ng bukas ang pinto niyon. Hindi naman siya nag-aalala nab aka umalis ito dahil naririnig niya ang boses nito habang nasa labas at tila may kausap. Bumangon siya at sinilip kung sino man ang ibang tao roon. Nakaligo na si Zyra at bagong ligo ito. Nandoon na sina Thomas at Carl na kapwa nakabihis habang umiinom ng kape na tiyak ni Casey na dala ng mga ito. Lumingon siya sa lamesita ay may apat pang kape ang nandoon na hindi pa nagagalaw. Malamang ay para kina Lavi at Kirsten ang dalawa at sa kanila naman ni Zyra ang dalawa pa. Bumalik siya kaagad sa loob ay nagtungo sa cabinet kung saan nakalagay ang ginayak niyang damit bago siya matulog kanina

