CHAPTER 34 NANG MAKARATING sina Casey sa mismong lugar kung saan nakatira si Ferdinand Surio ay hindi muna sila kaagad pumasok doon sa mismong eskinita. Pinag-aralan muna nila ang lugar. Huminga si Casey nang malalim nang mapagtantong tila ganito rin ang napuntahan nilang lugar noong sundan niya si Zyra sa Antipolo. Squatter area at tipong nakakatakot puntahan ngunit hindi siya maaaring magpadaig sa takot dahil kasama naman niya ngayon si Zyra pati na sina Thomas at Carl. Tumikhim si Thomas kaya naman nakuha nito ang kanilang atensyon. “Tara na?” “Sige,” aniya ngunit tumingin pa muna siya kay Zyra. “Zyra, kumalma ka, okay?” Paalala niya rito. Alam niyang sa mga oras na iyon ay nagpupuyos na sa galit ang puso nito. Nagsimula silang pumasok sa loob ng makitid na eskinita. Ma

