CHAPTER 35 HANGGANG NGAYON ay hindi malaman ni Casey ang mararamdaman. Nanginginig siya sa takot dahil sa nasaksihan na krimen. Hinid siya makapaniwala na nakita siya ng isang pagkitil sa mismong harapan pa niya mismo. Hindi nab ago sa kaniya ang mga p*****n na usapan dahil minsan siyang nakaka-encounter ng mga balita tungkol sa mga ganoon at sinusulat niya. Ngunit iba pala talaga ang pakiramdam kapag sa harapan mo mismo iyon nangyari. Ang pasngisi ni Ferdinand bago nito kinalabit ang gatilyo, ang putok ng baril, ang talksik ng dugo… lahat iyon ay naaalala niya nanag malinaw. Wala siyang ibang ginawa kung hindi ang umiyak na lang habang hawak si Thomas na gulat na gulat pa rin. Mabuti na lang at nandoon si Carl at ito mismo ang humawak at umalalay kay Zyra na napaluhod na lan

