CHAPTER 45

2205 Words

HINDI ALAM ni Casey kung ano na ang mga susunod niyang gagawin. Isa lang ang malinaw, makikipaghiwalay na siya kay Dylan. Gayong wala rin silang nakuhang impormasyon sa private site ng mga Rivas, kahit siya ay nawalan din ng pag-asa. Kinausap niya si Zyra kung talagang ayos lang ba rito at talagang tanggap na ang mga nangyari. Umoo naman ito kaya napagdesisyunan niyang makipaghiwalay na lang sa nobyo. Sila naman ni Zyra ay napagpasyahan na magbalikan na lang sa oras na nakawala na siya kay Dylan. Kabado siya habang hinihintay ito ngayon sa coffee shop. Alam niyang masasaktan niya ito ngunit mas masasaktan ito kapag mas pinatagal pa niya ang pagpapanggap na gusto niya ito. Na-guguilty rin siya sa tuwing kasama niya ito. Puro kasinungalingan ang pinapakita niya kay Dylan na mabait naman s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD