Chapter 27 NANG MAKARATING sina Casey sa presinto ay kaagd na lumapit sa isang piulis na nakauniporme si Celestine habang na sila naman tatlo ay nanatili lang sa likod ito. Nagmasid-masid si Casey sa buong presinto. May mga pulis na siyang abala sa pag-aasikaso ng mga ilang sibilyan na mukhang nagrereklamo. “Maupo muna tayo,” aya ni Lavi sa kanila. Nauna itong naupo saka siya sumunod doon. Hindi pa siya nakakainom ng gamot kaya naman ramdam niya na tila bugbog ang kanyang braso. Gusto na niyang kumain para naman makaino siya ng gamot pampaalis ng kirot. Naupo si Zyra sa tabi niya nang hindi inaalis ang tingin sa kaniya. "Dapat pala hinatid ka na lang muna namin sa bahay." "Ayos lang naman ako. Iinuman ko lang ito ng gamot sa kirot tapos magiging okay na ako," aniya.

