CHAPTER 31 ARAW NG BIYERNES, pauwi na si Casey sa unit ni Zyra. Naglalakad na siya sa hallway nang may tumawag sa kaniya. Nang lingunin niya ay kaagad siyang napangiti nang makita si Britney. Malapad ang pagkakangiti nito sa kaniya. “Britney, ikaw pala.” “Bakit ngayon lang kita ulit nakita? Anong pinagkakaabalahan ma, ha?” anito. “Naging busy lang sa work tapos nitong kahapon, umuwi kami galing Tagaytay. Nag-celebrate kasi ng wedding anniversary ang parents ko,” sagot niya rito. “Wow! Congratulations sa parents mo, ah!” “Thank you.” “Pero sana hindi mo nakakalimutan iyong usapan natin. Bukas ng gabi, ah!” Kaagad siyang tumango. “Yes, of course. Sinabihan ko na rin si Zyra tungkol sa party mo bukas. Marami ka bang bisita?” tanong niya ha

