CHAPTER 25 SAKTONG KABIBIHIS lang ni Casey nang marinig niyang may nagbukas ng pinto mula sa main door. Sunod niyang narinig ay ang pag-uusap ng mga ito. Kumunot ang noo niya nang tila talong boses ng babae ang naririnig niya kaya naman lumabas siya ng kwarto upang tingnan ang mga bagong dating. Nandoon sina Zyra, Lavi at si Celestine. Ngumiti ang mga ito sa kaniya kaya naman ganoon din ang ginawa niya sa mga ito. “Good morning, Casey,” bati sa kaniya ni Lavi pero ngumisi naman pagdating kay Zyra. “Live in na ba kayong dalawa?” Kaagad siyang tumingin kay Zyra na halatang nagulat din sa tanong ng pinsan at siya, lumipat ang tingin kay Celestine na pinagtinginan silang dalawa. Kaya naman kaagad siyang nagsalita, “Hindi, ah! Nakitulog lang ako kagabi dahil… ahm…” “It’s oka

