Chapter 14 | Flat

1090 Words
Gabby's POV Tahimik lang akong nakayakap sa likuran habang pinapaandar ni Sergio ang motorsiklo. Malamig ang hangin na sumasampal sa mukha ko pero hindi ko alintana iyon dahil mainit naman ang katawan n’ya. Minsan talaga naiisip ko kung isa ba s’ya sa mga anghel ni Lord. Paano ba naman kasi ay sa tuwing may nangyayaring kamalasan sa buhay ko palaging s’yang sumusulpot na parang kabute para iligtas ako. Kagaya na lang ngayon. Paano naman s’ya napadpad sa lugar ng Tita ko ngayon? “Ahh… Sergio?” Sinilip ko s’ya mula sa side mirror. Nakapokus lang s’ya sa daan pero nakita ko ang bahagyang paggalaw ng mga mata n’ya na tila ba sinisilip din ako sa salamin. “What?” “Ahmm…” Humigpit ang kapit ko sa upuan ng motorsiklo. “Ano pa lang ginagawa mo rito?” Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang gumuhit na ngisi sa mga labi n’ya. “Do you think I’m following you?” Awtomatikong namula ang buong mukha ko sa sinabi n’ya. Hindi naman kasi iyon ang gusto kong palabasin. Curious lang naman talaga ako! Bakit naman n’ya iniisip na— “I live around here.” Marahan akong napatango. Kaya pala… “And you?” balik n’ya sa akin. “I keep seeing you wandering around the dark road. Are you really looking for trouble?” Namula ang mukha ko sa sinabi n’ya. Halata kasi sa boses ni Sergio ang pinaghalong inis at pag-aalala. Hindi ko tuloy mawari kung concern ba s’ya sa’kin o gusto n’ya lang ipamukha sa’kin na naaabala ko s’ya. “What if may nakasalubong ka na namang lasing like last time?” Over naman sa sermon. “Wala namang bar dito…” bulong ko. Mukhang narinig naman n’ya iyon at sinadyang pabilisin ang motorsiklo, dahilan para mapayakap ako sa kanya. “Ano ba!” Hindi s’ya nagreact. Inis kong kinalas ang pagkakayakap ko sa kanya. Itulak ko kaya s’ya sa mismong motor n’ya? Paano na lang kung di ako nakakapit? Baka nagdive na ako na parang balyena nang ‘di n’ya nalalaman. “Sorry…” biglang wika n’ya. Nagtataka akong napatingin sa reflection n’ya sa side mirror. Kagaya kanina ay diretso pa rin ang mga mata n’yang nakatingin sa kalsada. “Okay na iyon. Huwag mo na lang ulit pabilisin iyong motor. Takot kasi ako mahu—” “No…” putol n’ya sa’kin. “I’m sorry because I wasn't there to help you when it happened.” I paused. “As SSC President, I should have been there to oversee everything. You were treated like a laughing stock all because I failed to do my job and that's to protect you.” Bahagyang umawang ang bibig ko sa narinig. A… Ano raw? “To protect all students…” pagbawi n’ya sabay lunok. Napaiwas ako ng tingin sa dinugtong n’ya. Sinadya ko pang itago ang sarili mula sa likuran ng ulo n’ya para hindi n’ya makita ang pamumula ng mukha ko. Nakakahiya kasi. Fresh na fresh pa ang sugat na iniwan sa’kin ni Peejay tapos ito na naman s’ya para guluhin ulit ang puso ko. Wait—what?! Puso??? Ano ba ‘tong mga pinagsasabi ko? Nababaliw na yata talaga ako. Bakit naman nasingit ang puso ko dito? Hindi na ako nakasagot sa sinabi ni Sergio. Hinayaan ko na lang na sakupin kami ng katahimikan hanggang sa makarating na kami sa subdivision namin. Kagaya ng dati ay tinulungan n’ya ulit ako tanggalin ang helmet ko. Iwas na iwas pa akong magtama ang mata naming dalawa. Feeling ko nga ay napansin n’ya ang pamumula ng mukha kong super kapal pa ng blush on. “Thank you…” mahinang sabi ko. Hindi s’ya sumagot. Muli n’yang pinadyak ang motor at handa na sanang umalis nang may mapansin ako sa gulo n’ya. “Se… Sergio!” Nagtataka s’yang napalingon sa’kin. Parang namumulang kamatis kong tinuro ang motor n’ya. “Iyong gulong mo…” Sabay kaming napatingin sa gulong n’yang flat na flat na para bang nawalan na ng gana mabuhay sa Mundo. Nanliit ang mga mata n’ya. “Sorryyyyyyyy!” Bakas sa mukha n’ya ang pinaghalong gulat at mangha na para bang hindi s’ya makapaniwalang flat talaga ang gulong n’ya. Lalo tuloy akong binalot ng hiya. Baka mamaya ay sa’kin n’ya lang pala naranasan maflatan ng gulong Saktong dumating ang isang tricycle at tumigil sa harapan namin. Bumaba si Mama na agad napansin ang binatang kasama ko. Nagtataka s’yang napatingin sa’kin. Lalong namula ang mukha ko. “Anak? May bisita ka pala?” may halong pang-aasar na sabi ni Mama. Jusko! Tila nawala ang asar ko mula sa family gathering kanina at agad na ikinuway ang kamay ko sa ere na para bang tinatangging kilala ko si Sergio. “A—Ah…” Awkward akong napatingin kay Sergio na mukhang torete pa rin sa kinahantungan ng motor n’ya sa’kin. I cleared my voice. “Ah, napadaan lang s’ya, ‘Ma. Pauwi ka na rin, ‘di ba?” No one answered. “Sergio?” Nilingon ko ang binata at gano’n na lang ang gulat ko nang makita ko s’yang naglalakad na palapit kay Mama para magmano. Abot langit naman ang ngisi sa’kin ni Mama. “Magandang gabi po, Tita. Schoolmate po ako ni Gabby. Pasensya na po kung naabala ko iyong gabi ninyo.” Napaawang ang bibig ko sa pormal na pananalita n’ya. Wow. T—Teka! Hindi pa rin ako papayag na ayain s’ya ni Mama na dito maghapun— “Ay, gano’n ba? Pumasok ka muna sa loob. May dala akong mga spaghetti at cake. Kakagaling lang kasi namin sa family gathering kaya may sharon ako.” Nanlaki ang butas ng ilong sa hiya dahil sa kadaldalan ni Mama. Sobrang friendly pala ng nanay ko. Ni hindi n’ya man lang ako tinanong kung okay lang ba sa’ki— “Okay lang naman sa’yo, anak, ‘di ba?” Nanlaki ang mata ko. “P… Po?” Sabay na tumingin sa’kin si Mama at Sergio. Jusko. Bakit pa parang lahat nang naiisip ko ay talagang nangyayari? Nababasa ba nila ang iniisip ko? “Okay lang po sa’kin.” Pumalakpak sa tuwa si Mama. Agad naman kinuha ni Sergio ang bitbit n’yang mga paper bag na naglalaman ng mga inuwi n’yang pagkain. “Tulungan ko na po kayo.” “Napakabait mo namang bata!” “Hehe. Salamat po.” Pinagmasdan ko silang maunang pumasok sa loob ng bahay habang naiwan akong nagsisisi sa naging sagot ko. Napapikit na lang sa sobrang kahihiyan. Mukhang pagsisisihan ko talaga ‘to nang malala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD