Chapter 13 | White Lady

996 Words
Gabby's POV Siguro nga ay ipinanganak lang talaga ako para gawing katatawanan ng lahat ng tao. Hindi ko rin maintindihan kung ano ba ang ginawa ko para mangyari sa’kin ang lahat ng kamalasan sa Mundo. Hindi naman mahirap ang hinihingi ko, ‘di ba? Gusto ko lang naman na i-trato nila ako ng normal. Pero dahil lang sa mataba ako… hindi na nila ako magawang irespeto. Na parang nawalan na ako ng karapatan maging tao oras na lumampas sa 50 kilograms ang timbang ko. Awtomatiko na akong nawalan ng karapatan maging maganda. Ultimo paglalagay ko ng kolorete sa mukha ay nagawan nila ng paraan kutyain. Talaga ba? Baboy na may suot na lipstick. “Tita Ellen!” suway ni Mama sa matanda. Lumapit pa ito at pumagitna sa aming dalawa na akala mo naman ay dadaganan ko si Lola Ellen dahil sa sinabi n’ya. “Grabe naman po kayo sa anak ko. Hindi naman po ‘ata tama na pagsabihan ninyo ng gan’yan ang bata.” Tumaas ang manipis na kilay ng matandang babae. “At bakit hindi? Ilang taon na ba iyan para hindi makatikim ng katotohanan?” Natahimik si Mama sa sinagot ng matanda. Hindi ko na rin nagawa pang itunghay ang ulo ko. Nanatili lang akong nakayuko at tahimik na nagdadasal na magunaw na lang ang kinatatayuan ko para hindi ko na kailangang tiisin ang mapanuyang tingin ng mga kamaganak ko. Mukhang natutuwa pa nga silang panoorin akong ipahiya ng kamaganak naming kilala sa pagkakaroon ng matabil na dila. “Disiotso na iyang anak mo. Turuan mo naman mag-ayos iyan at alagaan ang katawan n’ya. Hindi p’wedeng palagi mo lang sinasabi na maganda s’ya kahit hindi naman. Bulag ka ba? Ayan, oh. Ubod ng taba!” Hindi na napigilan nina Tita Olive ang mga sariling makisawsaw sa gulo. Nilapitan nila si Lola Ellen para pakalmahin. Habang si Mama naman ay hinihimas ang likod ko. Alam kong papatak na ang mga luha ko sa mata ko pero pinipigilan ko talaga. Baka kasi ultimo pag-iyak ay wala na rin akong karapatan. “Ay bakit? Ano ba’ng mali sa sinabi ko? Sinabi ko lang naman ang matagal nang nasa isip ng lahat ng taong nandito,” angil pa ni Lola Ellen ng suwayin s’ya ng anak tigilan na ang kakalait sa’kin. Tinuro pa ng matanda ang suot ko na para bang isa akong malaking “joke” sa pag-aakalang maganda sa’kin ang suot ko. Ngumibit s’ya. “Hindi n’yo ba nakikita ang nakikita ko? Ano’t hahayaan na lang ba nating sirain ng batang iyan ang legacy ng mga Santillan sa pagkakaroon ng magandang lahi?” Iniyukom ko ang kamao ko. “Anak, huwag mo na lang pakinggan ang Lola Ellen mo, ha? Gan’yan talaga kapag tumatanda na—” Hindi ko na pinatapos si Mama dahil agad ko s’yang pinutol. “Tama naman po si Lola Ellen…” Napatigil si Mama. “Pangit at mataba naman talaga ako, ‘Ma. Ikaw lang naman ang nagsasabinh hindi. Pinapagaan mo lang naman ang loob ko dahil anak mo ako pero alam kong sa isip mo ay kinukutya mo rin ako.” “Anak—” Umiiyak akong tumunghay para harapin si Mama. “Kaya nga po ginigising n’yo ako nang maaga para umikot ng limang beses sa subdivision, ‘di ba? Kaso gusto n’yo akong pumayat. Kasi gusto n’yo nang tumigil na sila sa kakaasar sa inyo na nagkaroon kayo ng anak na baboy kahit na naturingan kayong beauty queen no’ng dalaga kayo.” Malungkot na naitungo ni Mama ang ulo. Siguro ay dahil tama ang lahat ng sinabi ko. Kahit naman kasi ano pang sugarcoat ni Mama ay alam kong iyon din ang iniisip n’ya. Na pangit at mataba ako. Walang paalam akong lumabas ng bahay nina Tita Olive. Tangka pa sana akong pipigilan nina Lester pero isang galit na dirty finger lang ang ibinigay ko sa kanya. Kulang pa yan para sa lahat ng panlalait na ginawa nila sa’kin. Wala na akong pakialam kahit na masira ako sa kanilang lahat. Sinira rin naman nila ako kaya ano pa ba ang dapat kong pahalagahan? Hindi ko kayang tawaging pamilya ang mga taong nangunguna sa p*******t sa’kin. I’m done. Gabi na kaya madalang ang mga sasakyang dumadaan sa kalsada. Hindi naging hadlang iyon para tahakin ko ang daan pauwi. Maglalakad na lang ako. Tutal naman ay maraming bagay na tumatakbo sa isip ko. Gusto ko na ring gamitin ang pagkakataon na ito para makapag-isip. Madilim ang daan at tanging kakaunting mga streetlights lang ang nagbibigay ilaw sa kalsada. Hindi naman na ako takot maglakad sa gabi dahil wala namang magkakainteres sa isang kagaya ko. Gusto nila ay nakawin nila ang kendi ko sa bag. Asa naman silang may pera ako. Ting! Napatigil ako nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Ayaw ko pa sanang tingnan kung ano iyong notification pero ‘di nagtagal ay natempt na rin akong basahin kung ano ito. Unknown Number Sorry for everything. I hope you find it in your heart to forgive me, Gabby. Tumaas ang magkabilang kilay ko sa nabasa. Ano na naman ba ‘to? Iilang tao lang ang nakakaalam ng number ko at sigurado akong isa na naman ‘to sa mga blind followers ni Czarina. Hindi pa ba sila tapos na pagtripan ako? Hindi ba uso sa kanila magbakasyon? Peep! Peep! “Ay bato ni Ding!” gulat na bulalas ko nang may biglang bumusinang motorsiklo sa tabi ko. Paglingon ko sa kanan ay s’yang bungad naman ng lalaking nakaitim na helmet. Ang cool n’yang tingnan sa suot n’yang leather jacket at black pants. Mukha s’yang action star sa mga Hollywood movies. “May lahi ka bang white lady? Bakit ba trip na trip mong gumala sa gabi ng nakadress?” bungad n’ya. Napako ang mata ko sa gwapong mukha n’ya. May iba sa kanya ngayon. Hindi ko alam. Basta mas gwapo s’ya. Teka… iyong salamin n’ya! Wala s’yang suot na salamin ngayon. “Sumakay ka na.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD