Chapter 12 | Pig Wearing A Lipstick

1204 Words
Gabby's POV Hindi talaga magandang ideya ang pagpayag kong sumama kay Mama. Wala nang ibang ginawa ang mga pinsan ko kundi asarin ako simula no’ng pagdating ko. “Grabe! Nag-aayos rin pala mga Gabby, ‘no? In fairness, ah? Hindi bagay sa’yo!” “Hahahaha!” Inakbayan pa ako ni Lester na parang lalaki. Napangiwi ako sa bigat ng braso n’ya. “A… Ano ba…” mahinang reklamo ko. Napasulyap s’ya sa’kin habang malawak na nakangisi. Halatang sinasadya n’ya talagang bigatan pa lalo ang braso n’ya. Agad gumuhit ang sakit sa mukha ko nang tatlong beses n’ya akong inalog gamit ang malakas na pwersa. Muntik pa nga akong mataob sa lamesa namin kung hindi lang s’ya nakakapit sa balikat ko. “Ito naman si pinsan! Nagbibiruan lang naman tayo rito. Huwag ka naman mas’yadong seryoso!” Nasundan iyon ng tawanan ng lima pa naming pinsan. Lahat kami ay nakaikot sa table na ito. Bandang sulok kaya hindi ako napapansin ni Mama na mukhang paiyak na. Ayun kasi s’ya kina Tita Olive at nakikipagchikahan. Hindi man lang ako maisipang kumustahin kung okay pa ba ako. Akala n’ya siguro ay nagtatawanan lang kaming magpipinsan. Ang hindi n’ya alam ay ako ang ginagawa nilang katatawanan. Hindi pa natapos roon ang pang-aasar sa’kin ng mga pinsan ko dahil pati ang nangyari no’ng prom ay nabring up nila. Parang wala lang nilang pinanood sa harapan ko ang video na pinost nina Czarina sa school page. Ilan pa sa kanila ay talagang hindi na nagabalang itago ang tawanan nila. Halatang enjoy na enjoy silang panoorin akong ginagawang clown ng buong school. “Kung alam ko lang na may ganito pa lang ganap sa Loarte Academy ay baka naki-join din ako sa prom n’yo!” natatawang sabi ng babae kong pinsan na sa ibang school nag-aaral. Sumabat pa ang isa tabi n’ya. “Sikat ka na, Gabby. Ang dami mong views, oh?” Mapait akong napangiti. Buong akala ko ay bahagyang magbabago ang pakikitungo nila sa’kin kung aayusin ko lang ang sarili ko. Nasayang lang pala ang oras ko sa paglalagay ng kolorete sa mukha ko. Ginalaw ko ang balikat ko para maalis sa pagkakaakbay sa’kin si Lester. Hindi ko na kasi kayang pigilan ang mga magbabadyang luha sa mga mata ko. Ayaw ko rin namang pansinin pa nila pati ang pagiging dramatic ko. “Magbabanyo lang muna ako,” paalam ko sa kanila kahit na hindi naman nila deserve malaman kung ano’ng gagawin ko. Pakialam ko ba sa kabilang lahat. “Naku! Magpapasabog na sa kubeta iyan so Gabby. Ang dami na naman kasing nakain eh. Hahaha!” Hindi ko na pinansin ang pang-iinsulto nila at dumiretso na lang ng banyo para ayusin ang sarili. Crying break na rin siguro. Hindi ko kasi alam kung gaano pa kami magtatagal dito. I just want to go home. Mahigit limang minuto rin ang tinagal ko sa banyo bago ko naisipang lumabas at mag-aktong normal. Nasa harapan na sina Tita Olive at Tito Jojo nang makabalik ako ng salas. Tinatawag pa ako nina Lester para bumalik sa table namin pero nagpanggap na lang akong hindi sila nakikita. Ayaw ko na. Bahala sila. “We all miss Lola Odes,” nakangiting wika ni Tita Olive. “And we know that wherever she is right now… she would be very happy that we’re gathered here again to relive her memories.” “Olive and I hope that we can do this more. Lola Odes would love to meet the younger generation of our family. Let’s maintain this as a yearly family gathering for all of us. Right, Santillan Clan?” Masayang sumagot ang angkan namin na para bang wala kaming masamang tinapay sa isa’t isa. Hindi nagtagal ay sumunod na ang mga palaro sa mga bata at inuman ng mga matatanda. Gusto ko sanang puntahan si Mama para ayaing umuwi pero hindi ako makakuha ng tiyempo. Paano ba naman kasi ay hindi na sila naghiwalay ni Tita Olive. Tahimik lang ako sa sulok habang ang lahat ng mga pinsan ko ay kasulukuyang na kay Cheska ang atensyon. S’ya ang anak ni Tita Olive at Tito Jojo—s’ya ring pinakamaganda sa aming magpipinsan. Hanggang ngayon ay naaalala ko pa kung paano ako magpapansin sa kanya para lang kalaruin n’ya rin ako no’ng mga bata pa kami. Kapag kasi s’ya ang kalaro mo ay ‘matik na kalaro mo na rin ang mga kalaro n’ya. Marami pa namang gustong makipagkaibigan sa kanya kasi maganda nga s’ya kahit no’ng mga bata pa kami. Kaso nga lang… suplada s’ya. Hindi naman gano’n kasama ang ugali n’ya. S’yempre at wala pa ring tatalo kay Czarina. Reyna ng mga bitches iyon eh. Pero sa lahat kasi ng attempt kong maging friend ni Cheska ay never n’ya akong pinagbigyan kaya nanatili na lang akong ilap sa kanya. Mabuti nga at nasa kanya ang atensyon ng mga pinsan namin ngayon. At least, hindi nila ako ginugulo, ‘di ba? Rgrrrrhhhh Napangiwi ako nang marinig ang pagkulo ng tiyan ko. Hindi pa kasi ako nakain simula no’ng pagdating namin. Paano ba naman kasi ako gaganahan kung parang mga CCTV na nakaabang ang mga kamaganak ko na para bang naghihintay lang ng tiyempo na kantiyawan ako. Dumapo ang tingin ko sa mahabang lamesa kung saan nakadisplay lahat ng pagkain. Isa sa mga iyon ang kaldereta ni Tita Olive. Gusto ko na talagang kumain. Muli kong sinulyapan ang mga nagdadaldalan kong mga pinsan. Hindi naman siguro nila mapapansin. Naglakad ako papunta sa table para kumuha ng pagkain ko. Gutom na gutom ako kaya medyo naparami ang sandok ko ng kanin. At s’yempre ay ang chicken caldereta. Pinili ko ang matatabang laman para talagang sulit ang makukuha ko. Ayaw ko na rin kasi bumalik kaya naman pinuno ko talaga ang plato ko— “Aba’y hinay-hinay naman sa pagkuha ng ulam, iha.” Napatigil ako nang makarinig ng matandang boses. Lumingon ako para tingnan kung sino’ng nagsalita. Gano’n na lamang ang pamumutla ko nang makita ang laiterang Nanay ni Tita Olive. Si Lola Ellen. “Ang siba mo naman mas’yado. Kaya ka palaki nang palaki eh. Baka maubusan mo iyong ibang parating pa lang.” Tumigil sa pagkukuwentuhan ang mga pinsan ko at tinuro ang direksyon ko. Lihim akong napamura. Mukhang nagkaroon na naman sila ng dahilan para asarin ako. Gusto ko lang naman sanang kumain nang mapayapa. “Hindi naman po sa gano’n. Ngayon pa lang po kasi ako kakain, Lola.” Kumunot ang kulubot n’yang noo. “Sa katawan mong iyan ay talagang sasabihin mo pa sa’kin na ngayon ka lang kakain? Kaninong anak ka ba?” Nabalot ng hiya ang mukha ko. Kung p’wede lang magpalamon sa lupa ay ginawa ko na. Medyo malakas kasi ang boses ni Lola Ellen at talagang naririnig ng lahat ng kamaganak namin. Hindi ko na alam kung ano'ng isasagot ko sa kanya. Hindi ko na rin alam kung ano ba’ng gusto n’yang mangyari. Gusto n’ya ba na ibalik ko na lang iyong plato ko? Kasi mas gugustuhin ko pang magtiis ng gutom kaysa tanggapin ang lahat ng pamamahiya n’ya sa’kin. “At ano ba iyang kolorete sa mukha mo.” Mapanghusga n’ya akong tiningnan mula ulo hanggang paa. “You're like a pig wearing a lipstick.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD