Chapter 11 | Nevermind

1226 Words
Gabby's POV One Week Later “20 hours?!” malakas na sabi ni Mama habang namumula ang mukha sa galit. Napataas ang balikat ko sa tinis ng boses n’ya. “Aray ko naman, ‘Ma!” Kaninang umaga pa kasi ako inaaya ni Mama kumain pero tumatanggi ako. Sinabi ko sa kanya na nakafasting ako ng 20 hours at gan’yan na nga ang naging reaction n’ya. “Bakit sobrang tagal naman, anak?!” sermon n’ya. Napanguso ako. Hindi ba’t ito ang gusto n’ya? Ang magpapayat ako? Oh eh bakit ngayong nagfa-fasting ako ay parang ayaw n’ya. “Si Dok Karlo naman po ang nagsabi n’on kaya ayos lang. Hindi na rin po ako muna kakain ng kanin at saka ng mga tinapay. Nakalow carb diet po kasi ak—” “Teka! Teka!” putol sa’kin ni Mama habang nakaharang ang palad n’ya sa mukha ko. “Sinasabi mo bang nasayang lang ang oras ko kakaluto ng masarap na ulam dahil hindi ka naman kakain ng tanghalian?” Saglit kong pinatay ang workout tutorial na sinusundan ko sa TV para kausapin s’ya nang maayos. “Kakain pa rin naman po. Hindi na nga lang po p’wede sa’kin iyong mga mas’yadong mataas sa carbohydrates.” Nameywang si Mama sa may tabi ng pintuan. “Ang goal po kasi namin ni Dok ay magketosis ako. Mas mapapabilis raw po iyon if sasamahan ko rin ng intermittent fasting.” Bumuntong hininga s’ya. “Anak, hindi ba’t parang ginugutom mo naman ang sarili mo n’yan? Baka mabigla ang katawan mo. Gusto kitang pumayat pero baka naman magkasakit ka. Mas prefer ka na healthy ka. Tigilan mo na iyan, okay?” Napabusangot ako sa sinabi ni Mama. Isang Linggo ko pa lang kasi pinafollow ang workout at diet plan na binigay sa’kin ni Dok Karlo. Medyo nakakita na naman ako ng changes sa katawan ko. Hindi gano’n kahalata pero pakiramdam ko ay lumuwag nang bahagya ang pantalon ko. No’ng una ay sobrang hirap na hirap talaga ako. As someone na maya’t maya kumakain, parusa ang intermittent fasting. May mga gabi na gusto ko na lang talaga sumuko. Pero no’ng nabawasan ako ng 5 kilograms in just a week? Tila ba naadik ako sa posibilidad ng nga p’wedeng maging resulta. Feeling ko nga ay kaya kong i-meet ang 50 kilograms fat loss goals ko eh. “‘Ma naman.” Umiling s’ya na para bang ito na talaga ang final say n’ya at hindi ko na mababago ang isip n’ya. “Tigilan mo ako sa mga gan’yang pakulo mo na sa ospital ang ending oras na bumigay ang katawan mo.” Wala akong ibang nagawa kundi bitawan ang mga hawak kong water bottles. Hindi ko pa kasi afford ang dumbbells eh. Hindi ko maintindihan si Mama. Sa lahat, s’ya talaga ang super obsessed na papayatin ako. Tapos ngayong ito na at ginagawa ko na ang pangarap n’ya bigla naman s’yang magba-backout at hindi na ako suportado. Ano iyon? Palagi na lang ako pagsasabihan pero hindi ako papayagan magbago? “At saka magbihis ka…” Tumaas ang magkabilang kilay ko sa sinabi ni Mama. “May pupuntahan ba tayo, ‘Ma?” Niligpit n’ya ang mga karton at kumot na nilatag ko sa sahig para sana magkaroon ako ng sapin. Wala pa kasi akong yoga mat eh. Hindi ko rin afford pa. “Hindi ba’t death anniversary ng Lola Odes mo? Kaya pupunta tayo sa mga Tita Olive mo. Nakalimutan mo na naman.” Shit. Oo nga pala. Nawala na sa isip ko. Tingin ko nga ay pinilit ko na lang kalimutan. Asawa kasi ni Tita Olive si Tito Jojo. Naalala n’yo? Iyong nasira iyong motor gawa ko. Patay na naman ako nito. Siguradong ako na naman ang gagawin nilang katatawanan sa gathering namin. Hindi lang naman kasi ang pagkamay ni Lola Odes ang binubuhay nila. Pati na rin iyong pagputok ng gulong ng motor ni Tito dahil sa kabigatan ko. Makikita ko na naman ang mga pinsan kong napakalakas magtawanan kapag inaasar ako. Ngayon pa lang ay inaatake na ako ng anxiety. What if magpanggap na lang akong may sakit— “Huwag ka na magtangkang magsabi sa’kin na may lagnat ka at hindi ka makakapunta. Bumenta na iyan last year. Hindi na ngayon. Hindi ko alam ang isasagot sa mga Lola at Tita mo kapag nagkataon.” Agad akong nanlumo sa sinabi ni Mama. Grabe naman. Kung umasta si Mama ay parang hindi n’ya alam kung paano ako pagtawanan sa mga family gathering na gan’yan. “Opo…” mahinang sagot ko. Kahit na labag sa loob ko ay pinilit ko na lang ang sarili kong maligo at magprepare nang maisusuot. Nasa gitna ako nang pagsusuot ng damit nang tumigil ang tingin ko sa mga makeup na pinagbibili ko no’ng isang araw. Isang beses ko pa lang sila nasusubukan. Gusto ko sana kasing mag-aral magmakeup. Kung makikipagsabayan kasi ako kina Czarina ay kailangan ko ring makipagsabayan sa pakapalan ng makeup sa kanila. Lalo na sa mga alipores n’yang parang mga buhay na coloring books. “Try ko nga iyang mga makeup na iyan.” Baka sakaling mabawasan ang pang-iinsulto sa akin ng mga kamag-anak ko kapag nakita nilang nag-ayos ako. Naglagay ako ng pink na pink na lipstick para talagang pak na pak ang itsura ko. Nang matapos ay agad na rin akong bumaba para makalakad na kami ni Mama. Hindi naman na ako nagulat nang mapansin ni Mama ang attempt kong magmukhang maganda ngayong araw. Hindi naman kasi ako mahilig maglagay ng makeup. Minsan lang din ako magdress. Kaya nang bumaba ako ng hagdan suot ang dress na binili sa’kin ni Mama na never ko sinuot dahil naglalabasan ang mga naglalakihan kong mga braso ay gulat na gulat s’ya. “Anak, ipaalala ko lang sa’yo na family gathering ang pupuntahan natin, ha? Grabe naman iyang outfit mo.” Nahiya ako sa sinabi ni Mama. Overdressed ba ako? Eh bahala na. Mas okay na ito kaysa sa last year. Hindi talaga s’ya acceptable. Mukha akong walang Mama. Tadtad pa sila ng picture. Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng cringe sa sarili ko. Ilan sa mga pictures na iyon ay nakita nina Czarina at ginawang katatawanan. Simula noon ay hindi na ako mas’yado nagpo-post ng pictures ko sa social media. Lalo na iyong talagang kitang-kita pa iyong katawan ko. Kadalasan talaga ay parang ID pictures lang kung tawagin ang pinopost ko kasi literal na ulo lang ang kita. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pagnakaw ng tingin sa’kin ng driver. Effective ba? Gumanda ba ako?! Siguro pumayat na talaga ako. Kinailangan ni Mama sumakay sa likod ng driver dahil sakop ko ang buong upuan sa loob pero kahit na gano’n ay nakangiti pa rin ako. Medyo maluwag na kasi iyong space sa loob kaysa sa dati. Pumayat na nga talaga ako! Hindi nagtagal at nakarating na rin kami sa bahay nina Tita Olive. Taas noo akong pumasok kasunod ni Mama. May something talaga sa akin na nagbago. I feel more confident. Feeling ko ay hindi na ako takot pagtinginan ngayon. They're looking at me… not because I’m fat and ugly. But because I’m finally prett— “Uy! Ayan na si Gabby. Iyong nagpasabog ng gulong ni Tito Jojo.” “Hahahaha!” “Hahahaha!” Agad nawala ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang mga pinsan kong nagtatawanan habang nakaturo sa’kin. Nevermind.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD