Chapter 10 | Homeschool

1167 Words
Gabby's POV Pagpasok ko pa lang sa loob ng establishment ay naintimidate na ako agad sa babaeng nakapuwesto sa reception desk. Kung magiging tao kasi ang hourglass ay baka s’ya na nga talaga iyon. Parang ako ang nahihirapan huminga sa liit ng waist n’ya. Iniisip ko nga na baka nakawaist trainer talaga s’ya at dinadaya lang ang proportions ng katawan n’ya pero para saan pa’t sa mismong weight clinic na nga s’ya nagtatrabaho. Malamang at lahat ng taong makikita ko rito ay fit. Ano ba naman ‘tong naiisip ko. “Good afternoon, Madam!” masiglang bati n’ya. Agad kong ginaya ang matamis na ngiting nakaguhit sa mukha n’ya. Mukhang mabait naman pala. Simula kasi no’ng pagtripan na ako palagi ng grupo ni Czarina ay lahat ng babaeng maganda ay awtomatikong nagkasungay sa mga mata ko. Paano ba naman ay palaging sa mga taong may istsura ko nararanasan mabully. Lalo na sa mga lalaki. Kahit nga iyong walang karapatan manghusga ay sila pa talaga ang nauuna. Ang kakapal ng mukha. “Ahhh… Hello! Ano…” nabubulol na sabi ko. Hindi ko alam kung paano ko ipapahiwatig sa babaeng nasa harapan ko ngayon ang sadya ko. Well, I think alam naman din n’ya na kung bakit ako nandito. Ano pa ba ang ginagawa sa weight clinic, ‘di ba? And obvious naman siguro kung ano’ng problema ko. Muntik pa nga akong hindi magkasya kanina sa glass door nila. Over naman kasi sa liit. Sinadya yata para i-motivate pa lalo ang mga clients nilang magpapayat at maging healthy. “Si Doctor Karlo po ba? Nagkape lang po s’ya saglit. Pabalik na rin po iyon. Maupo po muna kayo.” Sinunod ko naman ang sinabi n’ya at tahimik na naghintay sa receiving area. Pakiramdam ko ay sinasakal ako habang mas tumatagal ang paghihintay ko sa loob. Medyo parang nagsisisi na nga ako eh. Pero kapag naalala ko iyong mga masasakit na salitang natanggap ko sa kanila, parang kusa na ring tumitibay ang loob ko. Nandito na rin naman ako kaya i-go ko na ‘to! Hindi nagtagal ay tumunog na rin ang bell ng glass door nila hudyat na may papasok na tao. Lumingon ako at parang slow motion na nagregister sa utak ko ang pigura ng isang lalaki. Nakasuot s’ya ng beige na jacket at white na T-shirt sa loob na tinernuhan pa ng puting pants. Kulay brown ang sapatos. Malinis ang haircut at walang kahit anong facial hair. At ang mukha? Jusko! Kung hindi siguro ako nakaupo ngayon ay baka nakahandusay na ako sa sahig. Iyong itsura n’ya ay iyong tipo ng mga male leads sa Korean dramas na matangkad at mabango. Hindi s’ya gano’n kapogi pero sobrang lakas ng dating. Client din ba s’ya dito? “Dok!” masayang bati ng receptionist. Napaawang ang bibig ko sa narinig. Ibig bang sabihin ay iyang matangkad at mabangong lalaking kakapasok lang sa establishment ay ang magiging doktor ko? Oh, wow. “Bakit biglang ang dami mong energy, Anna? Binili pa naman kita ng kape kasi parang inaantok ka na. Hahaha!” Jusko! Pati ang boses ay walang tapon. Napakalalim. Napakswabe. Napakasara— “Salamat, dok!” Kinuha n’ya ang imabot na supot ng binatang doktor. Mukhang kinikilig pa nga eh. Sila ba? Dumapo ang tingin sa’kin ng babae at mukhang saka n’ya lang ako naalala. “Ay! May pasyente po pala tayo, dok.” Doon na nga lumingon sa gawi ko ang doktor. Agad namula ang buong mukha ko nang magtama ang mata naming dalawa. Hindi ko alam kung bakit parang pamilyar ang mukha n’ya. Parang nakita ko na s’ya. “Oh, hello there! Good afternoon. Kanina ka pa?” Umiling ako. “Tara sa office ko. Let's have a chat.” Nahihiya akong tumayo para sundan s’ya sa office n’ya. Halos lahat sila ay mukhang masiyahin sa lugar na ito. Siguro dahil nangunguna ang mismong doktor sa pagkalat ng good vibes. Feeling ko tuloy nasa ibang dimensyon ako kung saan walang discrimination sa mga matatabang kagaya ko. “So, how can I help you?” tanong n’ya matapos naming maupo. Aligaga kong binuklat ang bag ko para hanapin ang Gold Voucher na natabi. Maingat ko iyong pinatong sa desk n’ya. Tumaas ang magkabilang kilay n’ya. “Ow? Ikaw pala iyong nanalo. Congratulations!” malapad ang ngiting sabi n’ya. Naiilang akong ngumiti pabalik. Ano ba iyan, Gabby?! Bakit hindi ka makapagsalita? For the ngiti at tango ka lang d’yan. Haaaaysst! Mukhang napansin naman ng doktor ang pagiging tahimik ko. Gano’n na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang bigla n’yang ipatong ang kamay n’ya sa kamay kong nakapatong sa desk n’ya. “Hey? Just want to remind you that you're in a safe place. You can be honest with me here. I need you to let me help you, okay?” Tila may humaplos sa puso ko nang marinig ko ang sinabi n’ya. Hindi ko alam pero parang magic na nawala ang nerbyos sa sistema ko. Doon ko unti-unting hinayaan ang sariling i-let go ang matagal ko nang gustong mga sabihin. Nakuwento ko sa kanya lahat pati ang pamamahiyang ginawa sa’kin ni Czarina no’ng prom. Habang nagkukuwento ako ay nakikitang kong mas naiintindihan n’ya ang sitwasyon ko at kung bakit desperada akong malagas lahat ng taba ko sa loob ng summer break. “I understand that you want to transform your body fast, but two months isn't enough to drop 50 kilograms.” Napanguso ako. Bakit sa mga napapanood ko sa TV kaya nila? Minsan nga one week lang eh. “Our goal is for you to lose fat. Not just weight. If you really want to lose weight fast, then the shortest shortcut you can take is six months.” Six months?! Ang tagal naman. “But two months lang po iyong bakasyon. Paano po iyon? Baka pagbalik ko sa school i-bully nila ako ulit. Hindi ko na po talaga kayang bumalik doon!” Matamis s’yang ngumiti sa’kin. “Two months is unrealistic, Gabby. I don't want to promise you something na alam kung hindi possible. Besides, losing weight drastically would only result in saggy skin. Your goal is to be a prom queen, right?” I nodded slowly. “Well, if you're going to lose weight, you might as well do it the beautiful way.” Iyan ang huling sinabi sa’kin ni Doc Karlo bago namin tinapos ang first consultation. Hanggang pag-uwi ko ay nasa utak ko pa rin kung paano ko gagawing posible ang transformation ko. Hindi raw healthy ang two months. So, six months? Pero paano kapag nagpasukan na?! Wait… “Oh, anak? Saan ka galing? Paalis na ako ng trabaho. Hindi ka na nakakain ng tanghalian.” Agad na salubong ni Mama sa’kin. Oo nga pala. First time ko yatang nalipasan ng gutom. “‘Ma?” tawag ko. Abala s’ya sa pag-aayos ng buhok n’ya. Tumingin s’ya sa reflection ko mula sa salamin. “Bakit?” Lumunok ako. “P’wede po ba akong maghomeschool temporarily sa first semester next school year?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD