Gabby's POV
The Prom Queen Project
Hindi ako sure kung sino’ng nagsingit ng papel na ‘to sa bag ko.
Bukod kasi ro’n sa dalawang babaeng naghatid sa’kin sa stage no’ng prom ay si Sergio lang naman ang nakalapit sa’kin. At wala naman akong nakikitang dahilan para singitan n’ya ako ng contact ng isang weight clinic.
I mean, maybe, he was concerned about me, but I genuinely don’t think that it would come to a point para offeran n’ya pa ako ng voucher para sa isang libreng makeover sa isang weight clinic na valid for six months.
“You wanna wear that tiara, right? You know, you could be taking better care of yourself,” I read the short message silently.
I gulped.
Hindi ko alam kung ano’ng mararamdaman ko sa nabasa ko. Parang may halong guilt tripping ang atake ng invitation nila, ah?
But you know what? Tama naman sila eh.
I did this to myself.
I am what I eat.
Hindi ko p’wedeng sisihin si Mama o si Mang Bert dahil masarap sila magluto. I could always control my portions pero ako itong akala mo The Last Supper ang peg kapag kumakain palagi.
Humigpit ang hawak ko sa maliit na papel.
The last prom marked the end of this school year. Next semester ay senior year namin at gusto kong gamitin ang summer vacation para baguhin ang sarili ko. And I’m not just talking about my physical body.
I want to change my mindset, lifestyle, and personality.
Don’t get me wrong current self, ha?. Okay ka naman talaga as a person. But you’re too easy to kill. I want to make another version of myself na sampung beses muna nilang pag-iisipan bago kalabanin.
I want to be powerful not just by looks but also brains.
It’s the only way para masungkit ko ang korona kay Czarina Mendez.
Hindi ako papayag na hindi ako makaganti sa ginawa n’yang pamamahiya sa’kin. At mas lalong hindi ako papayag na hindi ako makaganti sa lalaking sumira ng puso’t tiwala ko.
“I’ll be back for you both…” mahinang bulong ko. “...ipaparamdam ko sa inyo ang sakit na dinulot n’yo sa’kin!”
I smiled devilishly.
“Nababaliw na yata s’ya.”
“Huwag mo lapitan baka manakit.”
Nawala ang ngiti ko nang marinig ko ang usapan ng dalawang batang naglalaro sa playground. Bakas pa ang takot nilang dalawa habang nakatingin sa’kin bago tumakbo paalis.
Agad kong tinakpan ang mukha ko sa kahihiyan.
Nakalimutan ko na nasa playground nga pala ako ng subdivision namin. Hindi ko kasi matiis ang pag-aalala ni Mama sa bahay. Maya’t maya n’ya ako kinukumusta sa kwarto na para bang natatakot s’yang may gawin akong kung ano.
I’m just glad na hindi pa nakikita ni Mama iyong trending kong video online. Hindi naman kasi masocial media si Mama. I don’t think kaya n’yang panoorin na makita akong pinagkakaisahan sa school.
Minabuti ko na lang na umalis na ng playground dahil unti-unti na ring dumadami ang mga bata.
Nasa bulsa ko pa rin iyong contact number ng weight clinic. Medyo hesitant pa kasi ako dahil ano ba namang alam ko sa gan’yan. What if pagtawanan lang ako ng doctor do’n? And what if hindi pala nila ako kaya papayatin.
Actually, ang galing nga kasi iyon na lang ang mga kailangan kong problemahin. Bayad na kasi ang session ko ro’n if ever.
Kaya kung sino man ang nagsingit nito sa bag ko, alam n’ya kung paano ako tutulungan.
At hindi ko sasayangin ang tulong na iyo—
Blag!
“ARAY KO!” malakas na daing ko nang biglang bumangga sa’kin ang isang bisikleta.
Hindi naman ako tumumba pero iyong bisikleta at saka iyong sakay n’on ay nagdive sa kalsada. Agad naman sana akong tutulong do’n sa lalaki nang tabigin n’ya ang kamay ko.
“Paharang-harang ka naman sa kalsada, ‘Nay!”
Napatanga ako sa tinawag n’ya sa’kin.
Tama ba ang narinig ko? Tinawag n’ya akong Nanay?
Pinasadahan ko ng tingin ang lalaking nagpapagpag ng damit sa harapan ko. Nakasuot s’ya ng basketball jersey at mukhang pauwi galing ng laro dahil pawisan na. Hindi ko gets kung paanong nangyaring mukha akong Nanay para sa kanya.
May cartoon print pa nga iyong suot kong T-shirt eh.
“Excuse me?”
Tinaasan n’ya ako ng kilay.
Grabe ‘to si kuya. Sa ugali na nga lang babawi at hindi gano’n pinagpala sa mukha tapos saksakan pa ng sama ng ugali.
“Sa susunod… huwag mong sakupin iyong kalsada! Ang laki-laki mong babae para kang balyena.”
Nagtinginan ang mga tao sa aming dalawa. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang lihim na tawanan ng mga magulang ng bata sa playground. Pati ang mga taong nagdadaanan sa kalsada ay napatigil para makiusyoso.
Agad akong binalot ng hiya.
Gusto ko pa sanang sagutin ang bastos na lalaki pero paano ko gagawin iyon kung lahat sila ay palihim na akong hinusgahan?
Hindi ko alam kung paano pero nakita ko na lang ang sarili kong tumatakbo. Hindi ko alam kung saan ako papunta. Gusto ko lang lumayo sa kanila. Malayo sa mapanghusgang mga mata nila.
Ano ba’ng ginawa ko para ipahiya n’ya ako ng gano’n? Ano ba’ng alam n’ya sa’kin? Bukod sa mataba ako?
Pagak akong napatawa nang marinig ko ang malutog na kulog ng kalangitan.
Na para bang bayad ang langit para damayan akong magdrama.
Hindi nga nagtagal ay bumuhos na ang malakas na ulan at dahil wala akong dalang payong ay hinayaan ko na lang na mabasa ako. Mukhang ito naman ang gustong mangyari ng langit.
Pinagtitinginan ako habang tulalang naglalakad sa ulan. Halos lahat kasi sila ay nakapayong. Ako lang itong namumukod tanging tila walang pakialam.
Hindi naman na bago sa’kin ang magmukhang tanga. Feeling ko nga ay namaster ko na iyon eh.
LYS Weight Clinic
Ito ang mga letrang nakasulat sa malaking sign na nasa harapan ko ngayon.
Yeah…
I actually walked to the address left on the note I found sneaked in my purse.
Let’s put an emphasis on walk. Hehehe.
Medyo malayo rin iyon, ah?
Seryoso.
I think what happened at the playground is already enough for me to decide. I heaved a deep sigh.
I’m actually doing this.