Chapter 17 | All Eyes On Me

1495 Words
Gabby's POV Monday… Today is the day. Isang beses ko pa ulit pinagmasdan ang sarili sa salamin bago tuluyang tumayo mula sa vanity table ko at nagspray ng Vanilla scent kong pabango. “Hmmm…” mahinang sabi ko habang nakangiti. “Smells like cupcakes and marshmallows.” Bitbit ang cute kong handbag ay confident akong lumabas ng kwarto para salabungin ang Mama kong mas excited pa yata sa’kin. Bitbit pa n’ya ang lunch bag ko na s’ya mismo ang nagprepare. “Anak, nariyan na ang sundo mo. Sige na at baka malate ka pa.” Inabot n’ya sa’kin ang pink na lunch bag. Nakangiti ko naman iyong tinanggap. “‘Ma, huwag ninyong kakalimutan ang napag-usapan natin, ha?” “Oo naman! Promise. Shhh lang ako.” Iyon lang ang kailangan kong marinig bago tuluyang lumabas ng silid para salabungin ang car service na hinire namin. Well… If I’m planning for a loud entrance, I might as well bring my own carriage. Kailangan kong tandaan na bigatin ang mga taong gusto kong pabagsakin. Si Czarina na celebrities ang mga magulang. At si Peejay na politician at presidente ng school ang pamilya. Hindi ko sasayangin ang unang araw ng revenge ko bilang bagong ako. “Loarte Academy, Madam?” agad na tanong sa’kin ng driver matapos kong sumakay sa backseat. Isang tipid na tango ang sinagot ko sa kanya. Mabilis ang naging byahe. Ilang minuto lang at tumigil na ang sasakyan sa labas ng engrandang entrance ng mamahaling eskwalahan. Dahan-dahan akong bumaba ng sasakyan habang pinagmamasdan ang school na nagsilbing impyerno ko four months ago. “Glad to be back…” bulong ko sa hangin. Isinukbit ko ang bag sa manipis kong braso at saka confident na naglakad papasok ng eskwalahan. Bawat hakbang ko ay dama ko ang titig ng mga estudyanteng nakakasalubong ko. Orientation day pa lang naman kaya nakacasual pa kaming lahat. And s'yempre papalagpasin ko pa ba ang pagkakataon kong ibida ang mga bagong damit ko? Fitted white collared long sleeve with a knitted pink blazer on top. Pink pleated short skirt. Long white socks. m*******e's black shoes and pearl accessories. Popular girl outfit, yes? “Ang ganda n’ya.” “Dude, look at that chick.” “She’s so pretty!” “Artista ba iyan?” I tucked my hair behind my ear. Ilan lang iyan sa mga bulungang naririnig ko sa paligid. Sinubukan kong itago ang ngisi sa mga labi ko. Hindi pa dapat ako magsaya dahil hindi ko pa nakikita ang target audience ko. Wala pa ako sa exciting part. Diretso akong pumunta ng auditorium kung saan inabisuhan ang lahat magtipon para sa magaganap na orientation day. We’re supposed to hear President Jimenez’s speech before anything else. Hanggang dito ba naman ay politika pa rin talaga. Paghakbang ko pa lang sa loob ng auditorium ay agad naglingunan ang mga estudyanteng abala kanina sa kanya-kanyang nilang ganap. Matamis akong ngumiti kahit na karamihan sa kanila ay ang parehong mga estudyanteng pinagtawanan at nilait ako that one prom night. Hindi ko sila makakalimutan. Lahat ng mukha nila ay nakatatak sa kokote ko. Iba yata ako magtanim ng sama ng loob, ‘no? “New student?” tanong ng isang boses ng lalaki. Tumingin ako sa gilid ko at hindi nga ako nagkamali. Parang tupa pa s’yang nakangiti sa’kin na parang hindi s’ya nangunguna sa pagtawag sa’kin ng balyena noon. “Hi?” pagkukunwari ko. Lalong lumawak ang ngisi n’ya. “Oh, sorry. Marco nga pala. You probably don't know me yet. You are?” Oh, I know you well. Marco Delgado. Best friend at kanang kamay ni Peejay sa lahat ng kalokohan. The same guy who couldn't even hide his disgust when I was around them. Back when Peejay was still pretending to be in love with me. I was so dumb then. “Gigi…” Ngumiti ako. “You can call me Gigi Santillan.” Lalong lumawak ang ngisi n’ya nang makuha ang pangalan ko. Iaabot pa n’ya sana ang kamay n’ya sa’kin nang umalingawngaw na ang isang boses ng lalaki sa buong auditorium. “Good morning, Loarte Academy!” Tumigil ang lahat sa pakikipagdaldalan. “Summer is over, and we’re finally back to school. I hope you're as enthusiastic as I am about this school year.” Naghiyawan ang mga estudyante. Pinagkatitigan ko ang lalaking nagsasalita sa stage. Mayor Jimenez. Also the president of our school. I don't know a lot, but I know that Peejay and him don't get along. It’s not really hard to guess why. They're different. Peejay only wants to fool around, while his Dad is busy building his empire. He was never the ideal heir, but it’s not like he has much choice. Peejay is his only son after his wife died from childbirth. “I don't know about all of you, but I can feel something exciting is about to happen this school year. Are you all ready to be a part of that? Let me hear you, students!” “WOOOHHHH!!!!” “YEAHHHHHHH!!!!” Ngumisi ako. Something exciting, huh? We’ll see about that. “Oh, look at this bag of bones. I said move your skeleton body out of the way!” Napatigil ako nang marinig ang pamilyar na boses. “Ba… Bakit mo ba ako laging pinagti-tripan, Czarina?” Tiningnan ko ang pinanggagalingan ng ingay at doon ko napansin ang mga estudyanteng nakabilog sa isang estudyante at tatlo pang babaeng pinagtutulungan s’ya. Walang iba kundi ang b***h squad ng Queen Beetch na si Czarina. She hasn't changed. She’s still the same evil bully. “‘Cause why not? You’re trippable. Tingnan mo nga iyang itsura mo. Who told you that wearing a body con is a good idea? Para kang kawayan. No curves. No shape. Oh wait—meron pala. Hugis streetlight!” “Hahahaha!” “Hahahahaha!” Napuno ng tawanan ang bahaging iyon ng auditorium. It’s loud, but not loud enough to catch the attention of the president who’s still having his speech in front. Napatingin ako sa babaeng nahihiyang nakayakap na ngayon sa sarili. I was fat then when they bullied me. Now, they're bullying someone naman na payat. Apparently, hindi pa rin iyon pasa sa beauty standards nila. Well f**k their standards! Lahat naman ng hindi sila ay never magiging maganda sa paningin nila! “And what did you call me? Czarina? How dare you say my name, twig!” Itinaas n’ya ang kamay at sasampalin na sana ang babae nang may pumigil sa kanya. “Stop it.” Nanlaki ang mata n’ya habang nakatingin sa’kin. Oo, ako… Ako ang pumigil sa kanya. Hindi ko alam kung paano pero kusa na lang naglakad ang mga paa ko para pigilan s’ya. I see myself in that girl. And hindi ako basta tatayo lang at manonood na ipahiya n’ya ang babaeng iyon kagaya nang ginagawa n’ya sa’kin noon. “What the—” singhap n’ya. Nagkatinginan ang dalawang alipores n’ya sa likuran. “Who is she?” “Mukha s’yang goddess.” “Ang bait naman n’ya.” Inagaw n’ya ang kamay n’ya sa’kin. “Who… Who are you?!” malakas na sabi n’ya sa kabila nang hesitasyon sa boses n’ya. She was looking at me from head to toe na para bang sinusukat n’ya ang lamang ko sa kanya sa ganda. Whether she’s prettier or what. “No, who are YOU? And who do you think you are to tell this beautiful woman that her outfit doesn't look great?” Namilog ang mata n’ya sa sinabi ko. “She’s definitely rockin’ that body con. And ikaw? Really? With that awful cut out tops and ripped jeans? You should really check your calendar ‘cause your look died decades ago.” Nagtawanan ang mga estudyante sa paligid. Hiyang-hiya n’ya akong dinuro. “This is called RETRO REVIVAL, b***h!” Ngumisi ako. “Retro revival? More like vintage cringe. Tell me. Did you dig through your mom's old closet for it?” “HAHAHAHA!” “Vintage cringe raw!” “HAHAHAH!” Napuno ng tawanan ang auditorium. Pati ang mga nasa unahan ay nagsimula nang makiusyoso sa nangyayari. Galit na tumingin sa’kin si Czarina. Tinaasan ko s’ya ng kilay. “Listen, Regina wannabe. Your reign as a monstrous bully ends right now ‘cause you'll have to claw through me with those plastic talons of yours first before you so much as lay a finger on another student again!” Kumunot ang noo n’ya. Halata sa mukha n’ya ang pagkagulat dahil ito ang unang beses na may naglakas loob na labanan s’ya. Well masanay na s’ya. Dahil marami pa s’yang dapat ikagulat. “And you're asking who I am?” I smirked before leaning closer to whisper in her ears. “I’m that girl who will snatch that crown from your flaky head.” Dumilim ang mukha n’ya. “b***h!” Sasampalin n’ya na sana ako nang may pumigil sa kamay n’ya. “THAT’S ENOUGH!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD