Gabby's POV
“Haagh! Haagh! Haagh!” hinihingal na sabi ko habang pinipilit tapusin ang hip thrust reps ko.
Agad akong bumagsak sa sahig matapos kong mabuo ang 5 sets at 15 reps na leg exercise. Medyo nangingig pa nga ang legs ko dahil sa ngalay pero ayos lang dahil alam kong super laki na naman nh glutes ko nito pagkatapos.
Usually naman ay hindi ako nahihirapan ng ganito tapusin ang routine ko pero dahil dinadagdagan ko ang plates ay mas naging challenging s’ya.
Gano’n naman talaga dapat kapag nag-eexercise.
You should gradually increase the difficulty ‘cause you’re not gaining if there's no pain.
“Good job, Gabby.”
Pagod akong napangiti nang makita si coach na papalapit sa’kin. Inabot n’ya ang palad na agad ko rin namang tinanggap upang makabangon sa sahig.
“You seem to like the gym a lot. Halos hindi ka na nga ‘ata umuuwi sa inyo.”
Tinaggap ko ang tubig na binigay n’ya.
“Hindi naman, coach. Masaya lang talaga dito. Parang nakakalimutan ko lahat ng problema ko. At saka wala naman akong gagawin sa bahay eh.”
“Yeah. Summer vacation. Kailan nga ulit ang pasok mo?”
Saglit akong uminom.
Doon ko lang din napagtanto na apat na buwan na pala ang nakalipas.
I’ve lost more than my target fat loss.
Kahit na sinong nadadaanan ko ay hindi na ako nakikilala dahil sa laki ng pinayat ko. I told my Mom to lie na pinsan ako ni Gabby na lumipat lang dito sa bayan namin. I didn't want them to know what I was planning for this summer. They don't need to know.
“This Monday.”
“Holy s**t? Monday na agad? Hindi mo man lang sinabi. P’wede ka namang magskip ng workout, Gabby. Magpahinga ka rin. Maintaining weight ka na lang naman. Cut yourself some slack.”
Isang matamis na ngiti lang ang sinagot ko kay coach na halos triple ng size ko ngayon. Body builder kasi talaga s’ya.
“I told you, coach. I like it here. And don't worry about me. I got everything under control. I’ll be fine.”
Hindi na ako kinulit ni coach at bumalik na lang sa pagspot sa ibang client n’ya.
On second thought, coach is right. I mean I am mentally and physically prepared to go back to school, but I still have to buy new clothes. I promised myself kasi na saka lang ako bibili ng damit once ma satisfied na ako sa new appearance ko.
And I guess this is the day.
Bitbit ang mga gamit ko ay confident akong naglakad papunta ng locker room. I’ll take a shower muna bago ako pumunta ng mall.
I’m still contemplating whether to bring Mom with me or not.
I’m gonna need somebody to help me fill my new closet with fresh clothes pero hindi kasi ako sure kung bet ko ang fashion sense ni Mama or kung alam n’ya pa ba kung ano ang uso ngayon.
Well… she was prom queen back in her time. Who knows? I guess I’ll give it a shot.
“Hey…”
Napatigil ako sa pagkuha ng tuwalya sa bag nang may marinig akong nagsalita sa likuran ko.
“Pretty girl.”
Hindi ko s’ya pinansin dahil baka iba naman ang kausap n’ya.
“Hey!”
Napabalikwas ako nang hawakan n’ya ang braso ko. Tiningnan ko ang lalaking nakatayo sa harapan ko. Singkit s’ya at maputi. Mukhang may ibang lahi.
“Ako ba?” nagtatakang tanong ko at lumingon pa sa paligid para i-check kunt may iba pa ba s’yang kausap.
“Of course, I’m talking to you, silly.”
Napataas ang dalawang kilay ko.
Ako si pretty girl?
“Matagal na kitang napapansin dito sa gym. I was hoping for the perfect opportunity to take my chances. I saw you preparing to leave and was wondering if I could buy you dinner?”
Woah…
Since my fat loss, I have been getting more head turns from men. Akala ko no’ng una it’s just like before where they were only amazed by how big I was as a fat girl, but I guess coach is right.
I should cut myself some slack. I’ve reached my goal weight and people are starting to notice.
This is the first time na may lalaking nagapproach sa’kin.
I don't know how to react!
“Uhmm…”
Ngumisi s’ya.
“I’ll take that as a yes?”
“No.”
Namilog ang singkit n’yang mga mata.
“Wait… what?”
“I already have plans for tonight. Shoot your chances next time. Bye!”
Isang mapaglarong ngisi ang gumuhit sa mga labi ko.
Akala n’ya yata ay hindi ko s’ya makikilala. Maybe ako ang hindi n’ya mamukhaan. Pero s’ya?
Tandang-tanda ko pa kung paano n’ya ako akmang pagbubuhatan ng kamay sa labas ng isang club that one rainy night. Kasama n’ya pa iyong kaibigan n’yang lasing. Actually, pareho naman silang lasing. And that's not important.
The point is I got the guy—who hated my old self so much that he went as far as raising his hand on me—to like my new self now. And not only that… he didn't recognize me. Sweet.
And I’m about to be more unrecognizable once I get my full makeover later.
*****
Bawat taong nadadaanan ko ay hindi mapigilang lumingon pata titigan ako. Sino ba namang hindi mahuhumaling sa’kin ngayong suot ko na ang damit na isang imposibleng pangarap na masuot ko lang noon.
Isang low neckline short red dress na hapit na hapit sa katawan ko. Kitang-kita ang kurba ng maliit kong baywang at bilugan kong balakang.
How’s that for sexy, fellas?
“Mata mo, Roberto!” saway ng isang girlfriend sa jowa n’yang malagkit na nakatingin sa akin.
Hindi ko sila pinansin at diretsong pumasok sa isang salon para ipagawa ang buhok ko.
“Good evening, madam!” masayang bati ng isang staff doon.
Pinaupo nila ako agad sa upuan na para bang isa akong ambassador ng business nila. Halos lahat kasi ng customer ay napatingin sa’kin at mas nadadagdagan pa iyon dahil pati ang mga lalaking bumubuntot sa’kin kanina pa ay biglang gusto na rin magpagupit.
“I want chestnut brown hair with natural-looking waves. And make sure that it frames my face well and has volume throughout.”
“Right away, madam!”
Confident kong tinitigan ang sarili sa salamin na nakadikit sa pader. Mula rito ay kita ko pa ang reflection ng ilan na halos mabali ang leeg kakatingin sa’kin.
Hanggang tingin lang naman sila.
And hindi naman sila ang target ko talaga.
Kumbaga sa research, this is just pilot testing. Ang target ko ay sa Monday ko pa makikita.
And I have to look my best when that happens.
My 3 U’s in this summer makeover.
Unrecognizable.
Unbeatable.
And most of all…
Untouchable.