IT WAS Raphael’s birthday. Habang naghahanda sa pag-uwi si Laureen ay iniisip niya kung bibili siya ng cake para dito. Hindi niya alam kung naaalala ni Sean ang birthday ng ama nito. O kung may nabanggit na anuman si Raphael sa bata. Sa mga nakalipas na taon ay bumibili siya ng cake tuwing sasapit ang araw ng kaarawan nito. Kahit hindi nila kasama si Raphael ay nagse-celebrate pa rin silang mag-ina. Magkakaroon sila ng munting salusalo. Nagkakataon kasi na kailangan nitong magtungo ng ibang bansa tuwing birthday nito mula nang ikasal sila. Hindi niya alam kung sinasadya nito o coincidence lamang talaga ang lahat. Ngayong taon ay wala siyang alam sa plano nito. Hindi nga niya alam kung nasa bansa ito. Nitong huling dalawang araw ay hindi niya ito nakikita, hindi katulad dati na gabi-gabi
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


