20

1840 Words

UPANG hindi niya gaanong maisip si Raphael ay inabala ni Laureen nang husto ang kanyang sarili sa trabaho nang mga sumunod na araw. Isang malaking deal ang kailangang makuha ng kompanya nila. Everyone was working so hard. Isang umaga ay may nag-deliver ng mga bulaklak para sa kanya sa opisina. Galing iyon kay Raphael. Halos wala nang lugar sa puwesto niya dahil okupado na iyon ng mga bulaklak. For the most beautiful woman I’ve ever laid eyes on. Iyon ang nakasulat sa isang card. Hindi niya maiwasang mapangiti sa sobrang kilig. Again, I’m sorry for forming the wrong impression and for saying those offending words. Iyon naman ang nakasulat sa isa pang card na kasama ng mga puting orchid. Kahit wala niyon ay napatawad na niya ito. Madali namang magpatawad palagi ang kanyang pus

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD