2

2357 Words
“HINDI ako interesado, Andrew,” malamig ang tinig na sabi ni Laureen dito. Lumapit ito sa kanya pagpasok na pagpasok pa lang niya sa loob ng university library kung saan siya nagtatrabaho bilang student assistant. May hawak-hawak itong isang stem ng puting rosas. Alam na agad niya na ibibigay nito iyon sa kanya kahit hindi pa ito nagsasalita.       Tila hindi ito naapektuhan sa sinabi niya. Iniabot pa rin nito ang hawak na bulaklak sa kanya. “Sige na, tanggapin mo na ito.”       Hindi niya ito pinansin. “Sinabi ko naman sa `yo na wala kang mapapala sa panliligaw mo sa akin. Ang kulit-kulit mo. Hindi tayo bagay.”       “Ano ba ang hindi mo gusto sa `kin? Guwapo naman ako at matalino pa. Hindi ako babaero.”       “Ayoko nga sa `yo. Gano’n lang kasimple `yon. Ayoko sa `yo. Kung hindi mo pa naiintindihan `yon, ang tanga mo na, Andrew,” aniyang walang pakialam kung nasasaktan na niya ito.       Wala siyang panahon para sa pakikipagrelasyon. Nais niyang i-focus at ilagay ang lahat ng enerhiya niya sa pag-aaral. Dalawang semestre na lang ay matatapos na siya ng kolehiyo. Makakahanap na siya ng magandang trabaho at maiaahon sa hirap ang kanyang ina. Mabibigyan na niya ng kasiyahan ang kanyang ama kahit nasa langit na ito.       Tinalikuran na niya si Andrew at nag-umpisa na siyang magtrabaho. Sinikap niyang huwag umiyak dahil sa pagkaalala sa kanyang ama.       Napilitang kumapit sa patalim ang kanyang ama dahil sa hirap ng buhay nila. Nagtulak ito ng ipinagba-bawal na gamot. Nahuli ang kanyang ama nang raid-in ng mga pulis ang drug den kung saan nito kinukuha ang mga drogang ibinebenta nito. Minalas ito dahil ito lang ang nahuli, samantalang ang ibang kasama nito ay nakatakas. Nakulong ito. Nagpakabait sa loob ang kanyang ama. Sising-sisi ito sa ginawa nito.       Hindi naman sila nawalan ng pag-asa ng kanyang ina. Ngunit gumuho ang pag-asa nila nang magkaroon ng riot sa loob ng bilangguan at isa ang kanyang ama sa mga nasawi.       Iyak siya nang iyak nang malaman niya ang nangyari dito. Hindi man lang nito makikita ang pagtatapos niya sa kolehiyo.       Tuwing bumibisita siya rito noon ay palagi nitong sinasabi sa kanya na mag-aral siyang mabuti upang maging maganda ang kinabukasan niya. Kailangan niyang magkaroon ng diploma upang hindi siya hamakin ng ibang tao. Hindi raw dapat maranasan ng magiging pamilya niya ang naranasan nilang hirap na mag-anak.       Matagal na niyang naipangako sa sarili na patitikimin niya ng maginhawang buhay ang kanyang ina. Hindi siya papayag na hindi iyon matupad. Hindi birong hirap ang dinaranas nito para lamang makapagtapos siya.       Ibinabalik niya ang ilang libro sa shelf nang matigilan siya. May isang pareha na naghahalikan sa isang sulok ng library. Tila wala namang pakialam ang mga ito kung may nakakakita sa mga ito. Silid-aklatan iyon at hindi motel. Hindi man lang marunong magbigay ng respeto ang mga ito sa ibang estudyanteng naroon at nag-aaral. Dapat sa mga ito ay mapatalsik.       Naramdaman yata ng lalaki na may nakatingin sa mga ito dahil bigla itong kumalas sa kapareha nito at tumingin sa direksiyon niya. Nagtama ang kanilang mga mata.       Napapailing siya at itinuloy na lang ang kanyang ginagawa.       Naging busy na siya sa ginagawa niya nang may tumayo sa likuran niya.       “Hey.”       Lumingon siya at nakita ang lalaking nakikipag-halikan kanina. Tiningnan niya ito nang malamig. Kilala niya ito dahil hindi iyon ang unang pagkakataong nakita niya itong nakikipaghalikan sa library. He was Raphael Dunford, the most sought-after bachelor in their university. Lahat yata ng mga babae ay nahuhumaling dito—maliban sa kanya.       Medyo napaso na siya sa mga lalaking katulad nito. Hindi na niya uulitin ang mga naging pagkakamali niya noon.       Iba ang kahalikan ni Raphael noong isang araw. Pinigil niya ang kanyang sarili na mapailing. Hindi na siya dapat nagtaka. Iba-iba naman talaga ang kalampungan nito palagi. Kilalang babaero ito sa buong unibersidad ngunit gusto pa rin ito ng lahat ng babae. May ilusyon ang bawat isa sa mga ito na sila ang babaeng makakapagpatino rito. Kalokohan iyon. Once a playboy, always a playboy.       Hindi niya tinugon ang pagbati nito kahit pa bahagya siyang nagulat. Iyon ang unang pagkakataon na kinausap siya nito. Kilala niya ito ngunit sigurado siya na hindi siya nito kilala. Sa dalas niyang mahuli ito na may kahalikan sa sulok na iyon ay naging pamilyar na marahil siya rito.       “You know her?” mataray na tanong ng babaeng kasama nito. May bahid kaagad ng selos sa tinig nito.       Hindi na niya hinintay na makatugon si Raphael. Tumalikod na siya at iniwan ang mga ito. Hindi niya pag-aaksayahan ng laway at pansin ang mga ito. Marami pa siyang kailangang gawin. “YOU’RE Laureen Mislang, right?”       Nagtatakang napalingon si Laureen sa nagsalita. Naglalakad siya sa hallway ng unibersidad isang gabi. Kalalabas lamang niya ng huling klase niya at pauwi na siya.       Kaagad na nagsalubong ang mga kilay niya nang malingunan niya si Raphael Dunford. Nakangiti ito sa kanya.       “So?” malamig na tugon niya. Bahagya siyang nagulat na alam nito ang pangalan niya. Inalam ba nito iyon? Bakit ito biglang nagkainteres sa isang katulad niya?       Nilapitan siya nito. “I’m Raphael Dunford.” Inilahad nito ang kanang kamay sa kanya.       Hindi niya iyon tinanggap. “Alam ko. Bakit ka lumalapit sa akin ngayon?”                 Nagkibit-balikat ito. “I just thought we should be friends.”       Napapailing na napapangiti siya habang nakatingin sa guwapong mukha nito. He was wearing a very charming smile. Tila kumikinang sa paghanga ang mga mata nito. Alam niyang maraming babae ang natutunaw kapag tumingin na ito nang ganoon. Ibahin siya nito dahil hindi siya apektado rito. Hinding-hindi siya magkakagusto sa isang lalaking katulad nito.       Sinalubong niya ang mga mata nito. “Plano mo bang isali sa mga koleksiyon mong laruan?” direktang tanong niya.       Nagulat ito. “W-what? Laruan? I’m just being friendly.”       “Hindi ako tanga, Dunford. You’re being friendly now, then tomorrow you’ll be flirty with me, and you’ll be making out with me in the library the next day. I’m sorry, but you are not my type. So, back off.”       Bumakas ang pagkamangha sa mukha nito bago ito tumawa nang malakas. Kahit na tila bigla itong naging guwapo sa paningin niya nang tumawa ito ay tinalikuran na niya ito. Naglakad siya palayo. Wala siyang panahong hangaan ito. Kailangan na niyang umuwi upang matulungan niya ang kanyang ina sa pamamalantsa ng mga damit.            Umagapay ito sa kanya. “Ayaw mo ba talaga? I’m a good flirty friend. I’m a good kisser, too. I could be your type. `Wanna try?”       “Saka na lang siguro, kapag gusto mo nang magseryoso sa relasyon. Hindi kasi ako pangmadalian, eh.”       Lalo itong tumawa. “What if I want to get serious with you?”       Inismiran niya ito. Kung ibang babae siguro ay maniniwala sa mga ganoong linya nito. Pero hindi siya ibang babae. Hindi ito ang tipo na magseseryoso kaagad sa relasyon. He was still enjoying playing the field and he had no intention of leaving it anytime soon.       “Alam ko kung bakit ka lumalapit sa akin ngayon,” mataray na sabi niya. “Akala mo, por que mayaman at guwapo ka, makukuha mo ako katulad ng mga ibang babae. Nagkakamali ka ng akala, Dunford. Hindi mo ako makukuha. Hindi ako katulad ng mga babaeng madalas mong nakakahalikan sa kung saan-saan. Hindi ako magiging ganoong klase ng babae, tandaan mo `yan. Akala mo marahil na makukuha mo ako kahit mailap ako. Gusto mong ipakita sa mga kaibigan mo at mga lalaking nanliligaw sa `kin na kaya mo akong mabihag. Gusto mong magpaka-macho. Gusto mong ipakita sa lahat na walang hindi nabibihag sa gandang-lalaki mo. Pinakaayoko ang katulad mo.”       Seryosong sinalubong nito ang kanyang mga mata. “Sigurado ka riyan?”       Tumango siya. “Don’t feel challenged. May naging hindi magandang karanasan lang ako sa isang katulad mo at ayoko nang maulit iyon.” Ayoko nang umasa. Ayoko nang makasakit. Alam niyang hindi ito katulad ni Harvy sa pagiging babaero. Ngunit parehong mayaman, guwapo, at sikat sa buong eskuwelahan ang dalawang lalaki.       “Sigurado ka talaga na ayaw mo sa `kin?”       Sinalubong niya ang mga mata nito. “Oo. Huwag mo na akong kakausapin uli.”       Nagkibit-balikat ito. “Madali akong kausap, Miss Laureen Mislang. Hindi ko balak pahirapan ang buhay ko. Marami naman diyang iba na hindi mahirap kausap, walang komplikasyon. Wala akong balak pahirapan ang sarili ko sa isang babaeng walang interes sa akin. I don’t feel challenged at all.”       Napangiti siyang bigla. Hindi kasi iyon ang inasahan niyang sasabihin nito. Ang akala niya ay magpupumilit pa ito. Kahit tila may maliit na parte sa kaibuturan niya ang dismayado, mas nangibabaw ang relief niya. Ayaw rin niyang maging komplikado ang buhay niya. Wala siyang panahon sa katulad nito na walang balak magseryoso sa isang relasyon.       “Walang problema kung ganoon,” aniya, saka nilakihan ang mga hakbang hanggang sa makalayo na siya rito.       Ayaw niyang isipin masyado si Raphael Dunford. Wala siyang panahong makipaglaro dito. Iiwas na siya sa komplikasyon.       Nagmamadaling umuwi siya sa bahay. Nadatnan niyang abalang namamalantsa ang kanyang ina. Kaagad na inako niya ang gawain. Tumanggi ito ngunit nagpumilit siya. Alam niyang maghapon itong napagod sa paglalaba.        NGINITIAN ni Raphael si Laureen nang makasalubong niya ito sa hallway isang umaga. Tila walang nakita na nagpatuloy lang ito sa paglalakad.       Napailing na lamang siya. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit patuloy pa rin niya itong nginingitian tuwing nakikita niya ito. Hindi naman siya nito pinapansin, tila walang nakikita ito. Ito lamang ang babaeng hindi nabihag ng charm niya, ang hindi humahanga sa kanya. Maraming babae ang nagpapakipot at kunwari ay hindi siya gusto ngunit naroon naman ang paghanga sa mga mata ng mga ito. Kaunting bola lang niya ay bumibigay na ang mga ito.       Ang akala niya ay ganoon din si Laureen. All the girls in the world loved the chase. Boys loved the thrill of the chase. Nang tanggihan nito ang pakikipagkaibigan niya at sabihin niya ritong madali siyang kausap at ayaw niyang gawing komplikado ang buhay, inasahan niyang madidismaya ito. Instead, he read relief in her beautiful eyes. She even smiled beautifully.       He felt so insulted. Bigla rin siyang nagduda sa kakisigan niya. Ang akala niya ay kabisado na niya ang laro ng mga babae. Pare-pareho lang ang mga ito para sa kanya: aayaw-ayaw sa umpisa ngunit sa bandang huli ay nahuhulog din sa patibong niya. Ngunit iba yata sa lahat ng babae si Laureen.            Kahit ininsulto nito ang p*********i niya ay humahanga pa rin siya sa kagandahan nito. She looked lovelier when she smiled. May-malaanghel na mukha ito. Matangkad ito at maganda ang hubog ng katawan. She roused the protective instinct inside every man. Mukha itong damsel in distress na dapat protektahan.       Sa unang tingin ay tila ito isang babasaging bagay na dapat ingatan. Ngunit nang makaharap at makausap na niya ito, nalaman niyang hindi ito ganoon kahina. Hindi ito isang damsel in distress.       Maraming lalaki sa unibersidad ang nahuhumaling sa ganda nito. Marami ang nanliligaw rito. Ngunit ang sungit-sungit nito. Hindi ito madalas makipag-usap sa iba. Palaging blangko ang ekspresyon ng mukha nito.       He wanted Laureen. Ngunit tila may munting tinig na nagsasabi sa kanya na malaking komplikasyon ang babaeng ito sa buhay niya.       She was poor. She was focused on studying hard. Ito ang tipikal na estudyante na seryoso at walang ibang iniisip kundi ang makatapos ng pag-aaral. He would love chasing her. He was certain she would fall for him. Iyon lang, masyado itong magiging seryoso sa relasyon nila kapag inibig siya nito. Kakapit ito nang husto sa kanya. Magiging malaking problema iyon kapag nagsawa na siya rito.       She was the type of woman who wanted a very serious and lasting relationship. She would expect so much from him. She was also the type of person who had many dreams. Alam niyang gagawin nito ang lahat upang maisakatuparan ang mga pangarap na iyon. Ayaw niyang saktan ito at baka humantong pa iyon sa hindi nito pagtupad sa mga pangarap nito.       Isa pa iyon sa ipinagtataka niya sa sarili. He had never cared about other women before, besides his mother. Para sa kanya ay pare-pareho lamang ang mga babae. They were just playthings for him. God created women to make him happy and to satisfy him.       It was different with Laureen. He felt weird and funny where she was concerned. He cared for her—sort of, a little.       He had no idea why, and when he started caring for her. Una niya itong nakita sa library nang minsang maisip niyang tumambay roon. He watched her silently as she worked. He could not take his eyes off her.       Naging madalas siya sa library dahil dito. May nahahanap siyang mga “kalaro” doon. Palagi siyang nahuhuli ni Laureen na may kahalikan ngunit tila wala itong pakialam. Tila invisible siya sa paningin nito. Hindi niya iyon gusto kaya gumagawa siya ng paraan para mapansin nito. Hinahayaan niya ang sariling magpahila sa mga babaeng may gusto sa kanya sa isang sulok ng library. At nitong mga nakaraang araw ay siya na mismo ang humihila ng babae sa mga lugar na alam niyang pinupuntahan ni Laureen. Talagang sinasadya niyang makita siya nito sa mga tagpong hindi nito magugustuhan para makakuha siya ng atensiyon mula rito. At hindi pa niya iyon nakukuha hanggang ngayon.                  Kahit gustong-gusto na niya itong lapitan ay hindi niya magawa. Ayaw niyang aminin sa kanyang sarili na natotorpe siya. Hindi siya kailanman naging torpe. Laureen was just too complicated to handle. Ni hindi niya alam kung ano ang eksaktong tumatakbo sa isip nito.       He would forget about her. He would not pursue her. He would get over her.       Hindi lang niya mapigilang ngumiti rito tuwing nakikita o nakakasalubong niya ito. Naiisip din niya ito sa gabi—pinapangarap kung ano ang pakiramdam na mahagkan ito. Hindi niya mapigilan ang kanyang sarili sa pagpunta sa library upang masilayan ang kagandahan nito.       Yes, he would be okay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD