58

1943 Words

"Hi!" ngiting-ngiti na bungad ko kay Agassi. Ang cool lang talaga nito sa tuwing nakikita kong nakasandal sa motor n'ya. Medyo bad boy ang look, pero overall, gwapo. "Hi, baby!" oo na, kung pwede lang maglupasay sa sobrang kilig ay ginawa ko na. Pero kailangan kong kumalma. Baka ma-turn off ito kapag ginawa ko iyon. "Doris, sa bahay na muna kami." Sigaw ko kay Doris. Para na rin itago ang nararamdaman kong kilig sa lalaki na titig na titig sa akin at may matamis na ngiti sa kanyang labi. Dahil malapit lang naman ay hindi na ako sumakay sa motor nito. Itinulak na nga lang din nito iyon hanggang sa makarating kami sa bahay. Ipinasok nito ang motor sa malapit sa garden namin. Kung saan inabutan ko si Mama at Mang Dennis na masayang nagsasayaw. Habang si Feri ay nagche-cheer sa kanila.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD