Dinaanan pa namin si Aling Daisy na abala sa pag-aalaga kay Feri. Nang sabihin ko rito ang nangyari ay sinabi nitong susunod na lang ito dahil wala pang magbabantay sa bata. Pero nang sabihin kong isama na ay agad namang sumama ang mga ito. "Ano bang nangyari? Bakit nahulog sa hagdan iyong anak ko?" takang tanong ni Daisy. "Aalamin pa namin pagdating doon." Sagot ni Mayor na halata ang pag-aalala sa kanyang anak. May mga reporter ng como-contact sa akin pero hindi ko muna ipinaabot kay Mayor. Ayaw kong madagdagan ang alalahanin nito. Mas mabuti ng si Kali muna ang isipin nito. Narating namin ang school at agad naman kaming pinapasok nang makitang si Mayor ang lulan ng sasakyan. Naririnig na namin ang tunog ng ambulance. Hindi na namin pinababa si Aling Daisy dahil baka mag-fr

