Case Number 7: Bakunawa (Part 11)

4999 Words

Unti-unti nang bumibigat ang talukap ng mga mata ni Amari dahil sa pagkawala ng dugo. Ganoon pa man ay pinipilit niyang gisingin ang diwa sapagkat may misyon siyang nais gawin bago pa man siya tuluyang manghina. Pasikat na ang araw at patuloy pa rin ang pagkalat ng liyab sa Sitio Almira. Batid niya na siya ang may kagagawan niyon kaya nais sana niyang mapigilan ang apoy bago masawi ang libu-libong tao nasa lugar. "Kailangan kong maisalba sila," naisip niya habang sinisikap na maigalaw ang nanghihinang katawan. Pinilit niyang tumayo at maglakad pero hindi pa man nakalalayo ay umikot na ang kanyang paningin at napaupo sa sahig. "Kahit kaunting lakas na lang po," pagsusumamo niya sa kinikilalang diyos na si Bathala upang maisakatuparan ang planong pagpapaulan. Bilang bakunawa, siya rin ay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD