Dinig mula sa kubo ang maligayang kuwentuhan ng mag-anak na kahit biniyayaan sa kayamanan ay simple pa rin ang pamumuhay. Langhap din ang nilutong sinigang na hipon at bangus ng maybahay na si Tala upang pagsaluhan nila. "Katakam-takam naman 'yan," pagpuri ng kabiyak niyang si Amari, na hinahain naman sa mesa ang sinaing na kanin. "Amoy pa lang, masarap na!" "Mabuti nga at nakita ko kanina na naglalako ng kalakal 'yun taga-kabilang isla," maligayang paglalahad naman ni Tala habang hinahalo ang sabaw. "Nakipagpalit siya sa akin ng bigas kaya ayan, masarap ang ating tanghalian!" Pagkatikim ng ulam ay napangiti siya sapagkat sumakto ang lasa ng linamnam at asim sa putahe. May pagmamalaking binitbit na niya ang umuusok na palayok at pinatong sa hapag-kainan. "Kain na!" Sabik na nagsikuha

