Makapanindig-balahibong hiyaw ang nagmula sa bartolina pero nagbingi-bingihan lang ang mga bantay sapagkat inakala nila na kay Pablo nagmumula ang pagsigaw. Wala silang kaaalam-alam na ang binatilyo pala ang nagpaparusa sa mga pari na ilang taon nang nagpapahirap sa mga kabataang naroon. Napa-sign of the cross si Lucas na mismong saksi sa abot-impyernong poot ni Pablo. Kaawa-awa ang sinapit ng apat na baguhang pari na napagbuntunan ng galit ng trese anyos na batang sa unang kita pa lamang ay batid niyang kakaiba. Nang magtama ang kanilang mga paningin, tila ba naging estatwa pa siya sa kinatatayuan nang titigan siya nito na may panghuhusga. Matapang man at pinaninindigan na tama ang pamamaraan niya ng pagdidisiplina sa mga nagkakamali, nakaramdam pa rin siya ng takot at pagkabahala sa p

