Bitbit ang tray na may mala-bigas na kanin at sinabawang munggo na kinulang sa sangkap, napabuntong-hininga na lang ang trese anyos na si Pablo nang mapansin na nilalayuan siya ng mga kabataang katulad niya. Hindi naman niya masisisi ang pag-iwas ng mga ito dahil binansagan siya ng mga Alagad ng Simbahan na "Anak ng Diablo". Sinabihan din ang mga ito na huwag makikipag-usap sa kanya dahil masama raw siyang impluwensya. Binati niya ang madre na dumaan pero katulad na ng nakasanayan, nilagpasan lang siya nito. Nakaramdam man ng lungkot sa pagbabalewala ng mga taong dapat ay umaalalay sa mga katulad niyang ulila, sinikap pa rin niyang ngumiti dahil nais niyang maging maayos ang pananatili sa Rehabilitation House for Boys. "Ayan ba si Pablo?" dinig niyang pinag-uusapan siya ng kusinera at ta

