Lumipas ang limang araw at naging maayos naman ang pagresolba ni Pablo ng kaso na paranormal sa probinsya ng Cuh-Piz. Medyo nakakapagod nga lang ang naging magkakasunod na cases kaya nagbawas-bawas muna siya ng mga meetings at piniling makasama muna ang mga tinutulungang mga kabataan sa Home for Abandoned Women and Children. Nagluto pa siya ng pansit at puto bilang special treat sapagkat matagal-tagal din niyang hindi sila naasikaso at nais sanang makabawi. Para sa kanya, sila ang kanyang pamilya at hindi kailanman pagsisihan ang pagsisilbi sa kanila at sa Simbahan. Malaki rin ang pasasalamat niya sa Diyos sapagkat biniyayaan siya ng anak-anakan na maaalagaan. Kahit kung minsan ay naha-highblood na siya sa likot at kakulitan ng bata, natutuwa pa rin siya sapagkat nabigyan pa rin siya ng p

