Malamlam ang mga matang pinagmasdan ni Pablo ang pagbuhos ng tubig sa timba. Hindi pa rin siya makapaniwala na napakabilis lang siyang ipagtatabuyan nina Lucas na tila ba hindi siya kamiyembro ng religious order na Servants of the Holy Cross. Ramdam niya ang matinding lungkot sapagkat pagkatapos niyang magsilbi ng halos tatlong taon, hindi man lang nila siya kinunsidera bilang tunay na pari. Gamit ang tabo ay sumalok siya ng tubig at ibinuhos sa katawan. Ramdam niya ang lamig na maihahalintulad sa pagkasawi sa pag-ibig. Tulalang napayakap na lang siya sa sarili sapagkat nanunuot na ang ginaw at pighati sa kanyang kabuuan. Napahaplos na lang siya sa mukha upang mapigil ang sariling maiyak. Ganoon pa man ay kusang tumulo pa rin ang mga luha sapagkat nagkandaipon-ipon na ang kinikimkim na sa

