"Sandoval!" pinagalitan na siya ng sarhento. "Anong nangyayari sa iyo?" "Sorry...Sir...sorry, hahaha! Mmmphh...'yun babae kasi...nakatikim ng ano...ng ano ko...ng...hahaha! Mabuti na lang at nakaligo ako, fresh from the nest! Hahaha!" "Hindi kita maintindihan. Tumayo ka nang diretso at tumigil ka na sa kakatawa!" Itinaas na niya ang mga palad bilang akto ng pagsuko. Hindi pa man nakalilipas ang umaga ay samu't saring kamalasan at kahiya-hiyang mga karanasan na ang nangyayari sa kanya kaya nagdesisyon siyang huwag nang ituloy pa ang pagsasanay. "Hindi ko na kaya rito! Aalis na ako!" habol ang hiningang pagpapaalam na niya. Tumayo na siya at lumakad na palayo sa linya na pinaglalagian niya. "Para akong may saltik, tumatawang mag-isa! Hahaha!" "Aalis?" Hinatak siya pabalik ni Rudolfo sa

