Mataimtim na tinitigan ni Pablo ang ballpen na puwersahang pinahawak sa kanya upang pirmahan ang kontrata na magsisilbing kasunduan ng paninilbihan niya bilang kapitan sa Philippine Army. Pagkatapos ay binaling niya ang atensiyon sa baril na nakatutok pa rin sa kanya. Pag-angat ng tingin ay tumambad ang 'di maipintang mukha ni Colonel Adriano Montero. Nagmistula itong mabangis na tigre na handang umatake sa oras na gumawa siya ng hindi kaaya-aya. "Sir, pakilayo nga muna sa akin 'yan baril kasi parang gigil akong pasabugin," pakikiusap niya sapagkat hindi na rin niya nagugustuhan ang panggigipit nito na tanggapin ang mabigat na tungkulin kahit ang napag-usapan ay pitong araw na pag-iisip muna. "Kahit na pari ako, mahal ko pa rin ang bay*g ko." "Pirmahan mo muna yan, Padre," may tono ng p

