Naggising si Dana na sobrang masakit ang ulo. Nakita agad si Greg na nakabihis na inaayos niya na lang ang necktie niya. Nagtataka siya kung paano siya nakauwi. Wala siyang matandaan!
"Good morning! Papasok ka na?"
"Yeah, I have to go. I have an urgent meeting out of town. Drink your tea, I made it for you."
Saka hinalikan muna siya sa noo.
'My Gosh! May sakit ba siya? Bakit hindi niya ako inaway? Punta nga lang ako ng mall at mahuli ng sampung minuto sa pag-uwi aawayin na ako eh, ngayon pa na naglasing ako kahapon.'
Magulo ang utak ng dalaga at nakadagdag pa ito sa nararamdamang hungover.
"Wait!" Medyo malakas ang boses niya kaya napalingon ito kaagad.
"I mean, wait mo 'ko sabay na tayo pumasok."
"No, take a rest and prepare yourself. We have a party to attend tonight." Saka balak na naman siyang talikuran ulit.
"Wait! Sorry.." Nakayukong wika niya sa binata.
"For what?"
'Oo nga ano. Bakit pa ako humihingi ng paumanhin.' Hindi niya isinatinig ang laman ng isip.
"I-I don't know." Ang baritonong tawa ng binata ang narinig niya.
"Take a rest, papadalhan Kita ng pagkain dito. Be prepared before seven." Tumango na lang siya.
Pagkaubos niya ng chamomile tea, naligo muna siya at paglabas ng banyo naroon na ang pagkaing inihanda para sa kanya.
Sa kabilang banda….
Pagdating ni Greg sa tapat ng isang payak na bahay ngunit malinis ang paligid. Nagdalawang isip muna siya kung itutuloy ang balak makipagkita sa ama ni Dana. Sa halip na sa ospital dito siya dumiritso dahil ayon sa pinsan ni Dexter nakauwi na ito kaninang umaga.
Balak niyang kausapin ito at pormal na hingin ang kamay ng anak.
Bandang alas dos ng hapon habang abala ng kakaresearch ng maaaring gawin sa sakit ng Daddy niya si Dana, nagmessage si Greg.
Optimus Prime: Feeling better?
Ganyan ang naisipan niyang ipangalan dito dahil nga madalas ito magkaroon ng mood swings. Para sa kanya kumbaga mabilis ito magtransform.
Himala, ano kaya nakain nito at naisipan siyang imessage?
Mi Amor: Yeah.
At lingid sa kaalaman ng dalaga na espesyal ang nakapangalan sa kanya sa telepono ni Greg. Dahil hindi naman ito umaamin sa kanya.
Optimus Prime: Paki check sa baba kung dumating na ang pinadala kung damit mo.
Mi Amor: Para saan?
Optimus Prime: Para sa party mamaya. On the way na ako, pabalik ng Maynila.
Dali-daling tinawagan ni Dana ang matalik na kaibigan na si Max. Sa ganitong sitwasyon ito lang ang matatakbuhan niya.
Matagal siyang natulala sa bumungad sa kanya ng mabuksan ang kahon ng damit.
Isa itong long sleeved, black pencil dress,turtleneck na backless at may kasamang silver purse at silver six inches stiletto.
"Ang ganda girl! Bagay na bagay yan sa maputi mong balat!"
Hindi alam ni Max na nasa bahay siya ng kakambal ni Anthony. Ang sabi lang niya nasa hotel siya ay may event siyang dadaluhan at kailangan naroon siya dahil work related iyon.
"Sure ka bakss? Naiilang kasi ako.!"
"Tumigil ka nga dyan! Naku labas ang kurba natin nito! Lalo na iyang humps behind you!"
Tili pa nito. Hindi sa pagmamayabang maliban sa looks biniyayaan kasi siya ng malulusog na dibdib at p*w*t.
"Now let's start to doll up the most important person of my life. Charoot!"
Bago mag alas sais natapos din silang magkaibigan.
"Perfect! Aawww ang gandaaaa! Now go girl at mamingwit ka nang machong fafa dun sa party! Paramihin natin ang magandang lahi natin!"
Pagpasok ni Greg sa kwarto niya he saw Dana is struggling to zip up her dress.
Huminto ito sa ginagawa ng maramdaman ang presensya niya. Napasinghap siya ng mapagmasdang mabuti ang kabuuan ni Dana. She's so beautiful. She's a Goddess!
"C-can you help me please?"
'Shocks parang tinatambol ang dibdib ko, bakit ang gwapo niya sa suot niya ngayon.' Naisip ng dalaga.
Tumalima naman ang binata. Pagkasara ng zipper ng dress nito niyakap niya si Dana mula likod at inamoy ang buhok nito.
"You're so addicting."
Puri nito at hinalikan niya sa leeg ang dalaga.
"Huwag na lang kaya tayo tumuloy babe? Parang gusto na lang kita masolo ngayong gabi."
Tinulak siya ng dalaga.
"Stop it, hindi ko sasayangin ang oras ko sa pagpapaganda para ikaw lang makinabang. Share your blessings wika nga nila." Saka nginitian ang binata.
Mas humigpit ang yakap ni Greg kay Dana.
"Baby alam mong possessive ako. Baka mapaaway lang ako dun dahil sa selos, lalo na if I caught someone eye r****g you."
"Walang mang mamanyak sa akin dun nakita mo naman balot na balot ako o."
"Nagsisi tuloy ako bakit yan ang pinili kong damit para sa iyo."
Wika ni Greg habang nakatingin sa dibdib niya.
Bumuntong hininga na lang siya at nag ayos na rin para makaalis na sila.
Nasa bungad sila ngayon ng bagong bukas na five star hotel sa Makati.
Habang pinapakalma ni Dana ang sarili, she sighed three times at binigkas nila ng sabay ni Dexter ang…
'Welcome to the plastic world!'
Sabay silang natawa dahil parang bakla si Dexter na pumipilantik pa ang mga daliri.
Tumikhim naman si Greg.
Naikwento niya kasi kay Dexter na sa tuwing may party sila noon na kailangan daluhan, pagbaba niya sa kotse ito ang lagi niyang sinasambit. Kasi sa halip mag enjoy puro naman negosyo ang pakay ng mga dadalo.
Hawak ni Greg ang mga kamay niya, gusto niyang hilahin ito pero lalong hinigpitan nito ang paghawak sa dalaga.
Marami nang tao pagdating nila. Ginala ni Dana ang paningin sa paligid and she notice some familiar faces mga nakahalubilo nila dati when her father was active in the business world.
Napansin niya ang mga magulang ng matalik na kaibigan na si Max. Akma niyang kakalasin ang kamay sa pagkakahawak ni Greg pero pinigilan niya ulit ito.
"Relax babe, no one can harm you here."
Bulong nito sa kanya. Alam niya na she's uncomfortable kasi namamawis ang kamay na hawak niya.
"I just wanna say hi to Tito Emil and Tita Gwen."
"Okay, come, let's say hi to them."
Marahang hinila ni Greg ang dalaga papunta sa kinaroroonan ng mga tinutukoy nito. Kilala niya ang mga ito.
"Mr. Fernandez!"
Paglingon ng dalawang matanda nagulat sila at dumako ang mga mata sa mga kamay nilang dalawa.
"Mr. Fuentebella!"
Nagkamay ang mga ito at nag beso naman si Dana sa dalawang matanda.
"Kamusta iha? Now I know the reason bakit hindi pumapasa si Max sa iyo, may Gregory ka pala."
Natawa siya sa tinuran ng mommy ni Max.
"I'm fine Tita, you know naman po that Max is my best friend. Paano nalang kung maging boyfriend ko siya at mag away kami wala na po akong tatakbuhan para iyakan. At ganun din po siya sa akin."
Ngumiti naman si Gwen.
"Hayaan mo na ang mga bata Hon' may sarili silang desisyon."
"Anyway iha, masaya kami at si Greg ang napili mo. Kilala ko ang batang ito. A man of his words. Basta sinabi niya gagawin niya."
Puri ni Emiliano kay Greg.
"Yun na nga po Tito kaya ako napa oo dito."
Tiningnan siya sa mata ng dalaga na nakangiti. Parang siyang hinihigop nito at kusa na rin siyang ngumiti. Para silang totoong nagmamahalan.
"Congrats Greg! Ingatan mo si Dana."
"I will, sir."
May tumawag kay Greg kaya nagpaalam na sila sa dalawang matanda.
Iniwan niya si Dana sa bakanteng mesa malapit sa grupong tumawag sa kanya.
"Babe, stay here okay? I'll be back soon."
Tumango lang siya. Kasi nasa waiter na papalapit sa kanila ang focus niya. Ng akma na niyang abutin ang Vodka, pinigilan siya ng binata.
"You can have cocktail babe, not this." Saka ito kumuha ng inumin para sa kanya
bago lumayo.
Kahit lumayo na si Greg sa mahal niya nandoon pa rin sa dalaga ang attention nito. Halos ayaw niya mahiwalay dito kahit saglit.
'I'm f*cked up bro. I'm so in love with your girl.' Bulong niya sa hangin.
"Woooo Greggy… Hindi namin akalain na isang Mallari ang bibihag sa pihikan mong puso!"
Kantiyaw sa kanya ng mga kakilala. Kilala pa rin kahit papaano ang pamilya ni Dana.
Napansin niyang may lumapit na isang sopistikadang babae kay Dana. Halos kaedad ito ni Greg. Mukhang hindi maganda ang takbo ng usapan nila.
"Wala ka bang balak ipakilala siya sa amin?" Kantiyaw pa ng mga ito.
"Okay." Tinaas niya ang mga kamay. At bumalik ulit sa kinaroroonan ng mahal niya.