We are Engaged!

1542 Words
Hindi pa masyadong nakalapit sa kinaroroonan nila Dana si Greg but he knows they're arguing at hindi nila namamalayan ang paglapit nito. "Lumayo na kami ni Daddy, nakuha niyo na ang lahat sa amin, ano pa ba ang kailangan nyo!" Garalgal na ang boses ni Dana. "Hahaha why are you so over defensive my dear cousin? I'm just asking what on earth you are doing here? Saka saang ukay-ukay mo nabili ang outfit of the night mo?" "It's none of your business Jas, please just pretend that you don't see me here." Dana is about to cry, but she's trying her best not to. Ayaw niyang magmukhang marupok sa harap ng mga taong nang agaw ng lahat ng meron sila. "Owwww kawawa ka naman! Saan nga pala kayo nakatira! Baka wala kayong matirhan may bakanteng kwarto pa sa likod bahay, doon sa bahay ng aso namin, taos puso ko kayong kukupkupin."  Parang may maraming  karayom ang unti unting tinutusok sa puso ni Dana.  Kumuyom ang kamao ng dalaga gustong gusto bigwasan ang karahap. Ngunit may dalawang malalaking palad na humawak dito.   Naramdaman niya ang malamig na bagay na sinuot si Greg sa daliri niya. "Hey babe, are you bored? Sorry for leaving you here alone."  Hinalikan siya ng binata sa noo. Napasinghap naman ang pinsan ni Dana. "Oh my God! Floyd Gregory Fuentebella?" "Oh hi? You are?"  "I'm Jasmine Mallari. My mom told me that you're gonna be here, I have some business proposals for you if you don't mind? Ang hirap kasi magpa appointment sayo. " Biglang kambiyo ng tono ang bruha. "Mallari? Babe are you related to her? Ang alam ko si Daddy lang ang natitira mong kadugo."  Tinanong niya si Dana. Pinisil niya ang kamay nito at kinindatan telling her to just go with the flow. Saka hinarap ang pinsan ng dalaga.  "Anyway Jas, can I call you Jas?"  "Sure!" Excited na sagot nito. "When it comes to business I need to discuss it with my fiance first. What do you think babe?"  Inangat niya ang kaliwang kamay ni Dana at hinalikan ang engagement ring na sikreto niyang isinuot dito. Bakas sa mukha ng magpinsan ang gulat. Kahit ang pagblush ni Dana kapansin pansin. Labag man sa kalooban ang ginawa ni Greg sinakyan niya na lang at least he's helping to boost up her morale. "Babe, hangga't maaari ayaw kita pangunahan sa desisyon mo ikaw parin ang superior ko alam mo na ang dapat gawin. I think my opinions are not necessary."  Ayon ng dalaga. At nakatanggap naman siya ng halik sa noo bilang reward. "Sorry Jas, my bad, I forgot to introduce to you my wife-to-be. Nakakalimot talaga ako minsan na may mga tao pala sa paligid namin. Sa sobrang pagmamahal ko kay Dana pakiramdam ko lagi kami nasa ulap."  He smiled at her. Nakakapanibago ang pagiging mabait nito sa dalaga.   "Meet my fiance, Dana Paoline Mallari." "Uhh huh? How? I mean…" halos malaglag ang panga ng pinsan dahil hindi ito makapaniwala. "Bakit Jas? Hindi ka makapaniwala, na makabingwit ako ng katulad ni Greg?" "Dana, what's wrong with you? Hindi kita kayang pag-isipan ng ganyan!" Halos mangiyak ngiyak na turan ng pinsan. Nilapitan niya ang pinsan. "Baka naman pati fiancé ko balak mo namang agawin? Kapag nangyari yun, makakapatay ako ng pinsan." "Dana no, hindi ko yun magagawa sayo. Saka pinsan mo ako, bakit wala ka nang paggalang sa akin?"  Tuluyan na itong umiyak. Alam naman ni Dana na palabas lang ang lahat ng ito para magmukha siyang kawawa. "Ang paggalang ibinibigay yan sa taong kagalang galang. Stop acting, di bagay sayo." Saka humawak sa braso ni Greg.  "Babe, baka hinihintay ka na ng mga kasosyo mo, halika samahan kita doon."  Halos gustong sumabog ng puso ni Dana sa sobrang galit pero pinipigilan niya ito. Ilang beses din pinisil ni Greg ang palad niya.  "See you around Jas!" Paalam ni Greg. "Everything will fall into its proper place in no time Babe , trust me." Nginitian lang siya ng dalaga. Nagtataka si Dana sa mga katagang binitawan nito. Ngunit pinili nalang niyang itikom ang bibig. 'Baka tinablan doon sa sinabi niya noong isang araw ng magsagutan sila. Bigla bigla kasi siyang naging sweet at mabait.' 'At ano na namang pakulo ito may pasingsing pa si mayor! Ni hindi siya na inform na engage na sila! Huh! Humanda ka mamaya!' Pinakilala siya ni Greg bilang fiancé nito sa mga nakahalubilo nila, hindi na rin siya umangal sa sobrang bigat ng naramdaman dahil sa encounter nilang magpinsan. Wala ring media ang nakalapit sa kanila dahil mahigpit ang mga bodyguards ni Greg. Wala sa kasalukuyan ang focus ni Dana kundi sa nakaraan. Nakaraang nagbigay pilat sa kanyang puso. Nakaraang pilit kinalimutan ngunit biglang naging sariwa dahil sa tagpo kanina sa party. 'Kung buhay sana si Mommy at Anthony hindi ako masasaktan ng ganito.' Niisip ng dalaga. Habang lulan sila ng sasakyan pabalik ng bahay ni Greg hindi niya namalayan na tumutulo ang luha niya. Naninikip ang dibdib. Halos hindi makahinga. "Kuya pakitabi muna ng kotse."  Nagtataka man ang mga kasama sinunod nila ang kahilingan ng dalaga. Hindi alintana ang dilim ng gabi bumaba siya at naglalakad sa direksyon na hindi niya alam saan ang tungo.  Basta gusto niya lang makahinga ng maayos gusto niyang sumigaw. Para mawala ang parang bato na dumadagan sa dibdib.  Nahahabag man si Greg kay Dana hinayaan niya muna ang dalaga. "Sundan mo Boss." Utos ni Dexter  "Hayaan mo siya." "Ayaw mo? Ako na lang." Naiinis na sabi ng bodyguard. "Don't you dare!" Sigaw niya. "I'll be the one to comfort her." There's finality his voice. "Itinuring ko ng kapatid si Dana, sa halos araw araw naming magkasama itinuring nya rin akong Kuya. Alam ko ang kwento ng buhay niya dahil inutusan mo akong mag imbestiga. Hindi ko siya nakitaan ng panghihina, ngayon lang. At alam kong dahil iyon sa pinsan niya kanina. Now kung hindi mo kayang damayan siya ako na lang ang gagawa!"  Binuksan nito ang pinto. Pero naunahan na siya ni Greg. "Stay here as*hol*!"  Ngumisi si Dexter.  "Pakipot ka pa kasi. Aminin mo na sa kanya na gusto mo siya, sige ka baka maagaw pa ng iba."  Buti nakailag siya sa umigkas na kamao ni Greg.  "Shut up man! She's mine!"  Bumaba na ito at sinundan ang dalaga. Nakaupo ito sa waiting shed na hindi kalayuan bitbit ang sapatos. Hindi namalayan ang paglapit niya. "Feeling better? Shall we go?"  Inabot niya ang kamay sa dalaga, tinitigan muna siya nito ng mabuti, halata ang pamumugto ng mata, hindi din naman siya nabigo dahil inabot nito ang kamay niya. Hinila siya ni Greg at niyakap ng mahigpit. Sinubsob niya ang mukha sa dibdib ng binata. Ito lang ang tanging paraan na mananatili siyang nakatayo. Kailangan niyang kumapit. Nakaramdam siya ng kaginhawaan ng maamoy ang pabango nito.  Mahal na niya ito there's no doubt in it. Hindi dahil kamukha ito ng dating kasintahan. She loves him. She loves Floyd Gregory Fuentebella! "The only way for you to remove pain is to go through it, face it with all your might. Accept the fact that it really happened to you. Learn to forget. Learn to move on. Kapag may mga nangyari na hindi naaayon sa gusto mo, just remember this, I'll always be there behind you. Willing to catch when you fall." Halos nailabas na ni Dana lahat ng tubig sa katawan dahil sa kakaiyak. Mas lalo pa siyang naiyak sa tinuran ni Greg. She didn't know that he has this soft side that he never showed. 'Then catch me cause I'm falling for you! Charoot!' Naisip ng dalaga.  Ang sagwa naman yata tingnan na siya pa ang manligaw dito. Pero nagawa na niya dati kay Anthony. Hindi malabong gawin niya rin ito kay Gregory. "It's okay babe, everything will be fine." Ilang beses siyang hinalikan ni Greg sa noo. Pati ang daliri niyang sinuotan nito ng engagement ring hinalikan niya rin. It seems like he sealed his promises.   Is this f*ck*ing real? Para siyang lumulutang. Umiiyak siya pero dahil sa tuwa. Nagulat pa siya ng may bumusina malapit sa kanila. "That's enough love birds! Sa bahay niyo na ituloy yan. Nakakahiya naman sa akin!"  'Panira talaga ng moment 'tong si Kuya Pogi.' "Ulol!" Sigaw ni Greg. Pagkaligo ni Greg mabilis siyang hinila ng antok. Pero naramdaman pa niyang tumabi si Dana sa higaan niya. Amoy na amoy niya ang shampoo sa buhok nito.  Niyakap niya ito. "Babe, dry your hair, sisipunin ka niyan."  "I thought you were asleep."  Mahinang bulong ng dalaga. "I'm about to sleep ng maramdaman kita." "Sorry, marami pa sana akong sasabihin sayo, sige matulog ka na."  "Sorry babe, pagod ako ngayon. Goodnight!" Humalik ito sa noo niya. Maya-maya pa humihilik na ito. Napangiti si Dana. He's so handsome. Mayroon kaya siyang girlfriend? Sigurado maraming nagkakandarapa sa kanya. Gwapo na mayaman pa. ' Pero kung meron siyang kasintahan hindi niya ako ididisplay ng basta basta sa party na yon. Alam niya na maiintriga siya dahil maraming media persons doon.' Hinaplos niya ang mukha ni Greg. Saka napansin ang suot na singsing.  'Kung hindi kaya ganito ang naging simula natin mamahalin mo rin kaya ako? Kasi ako mahal na Kita.'  Dinampian niya ng marahang halik sa labi ang binatang mahimbing na natutulog. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD