Sa dinami dami ba naman ng posisyon este sa hinaba haba ng prusisyon, sa simbahan pa rin ang tuloy. Araw ng kasal nina Erica at Ken ngayon. Ang daming dumalo. Pati mga kaibigan nina Ken at Erica at lahat ng kamag-anak imbitado. Walong buwan na ang tiyan ngayon. Hindi pa talaga pinalipas ni Ken na makaanak siya kaya ang labas nagsuot siya ng bridal gown na ang laki laki na ng tiyan niya. Eh kasal na naman sila. Pero wala namang pakialam asawa niya dahil para rito siya pa rin ang pinakamaganda at pinakaseksing babae sa balat ng lupa. Ang bigat na pala nito. Sabi nila hindi naman daw parang normal lang. Sabi lang nila ‘yun minsan huwag kayong maniwala sa chismis dahil ang bigat promise. Naglalakad siya ngayon sa aisle ng simbahan nang bumukas ang pintuan ng napakalaking simbahan na yun sa
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


