Nasa may batuhan sa dalampasigan siya palagi namamalagi. Nakakagaan kasi ng feelings. Nakakagaan ng pakiramdam. Gamit ang balabal niyang binalot niya sa may braso habang nakatanaw sa magandang tanawin na yun ng dagat. Malayang tinatangay ng hangin mula sa dagat ang kanyang hanggang balikat nalang na buhok. Pinaputulan niya dahil sa malapit na rin siyang manganak. Dalawang buwan nalang at lalabas na si Drake. Maging ang mga kagamitan nito ay nakaready na. Ang ama nalang nito ang kulang. Nasaan na kaya si Ken? Ano kayang ginagawa nito? Kung ok na ba ito? Walang isang segundo, kahit mintuo o oras ang hindi niya ito naiisip. Napapaluha nalang siya sa kaiisip nito tulad ngayon. Miss na miss na niya ito walang katulad. “Baka mahamigan ka diyan?” Biglang bumundol ang kaba sa kanyang dibdib

