Halos dalawang buwan na rin ang lumipas simula ng umuwi siya ng Cebu. Nakapag-umpisa na rin siya sa kanyang itinayong negosyo na ipinatayo niya kaagad nong kararating palang niya ulit sa kanila. Apat na buwan na ang kanyang tiyan. At ipinagpatuloy niya ang kanyang regular check-up dito sa Cebu. May malapit lang din kasi na clinic sa bayan na malapit lang din sa kanila. Lagi siyang ipinagtitimpla ng gatas ng kanyang ama. Ipinapakita nito talaga sa kanya ang pagmamahal at inaasikaso rin nito ng maigi ang kanyang ina. Dahil bawal sa kanyang ina ang sobrang magkikilos kaya ama na niya ang halos gumagawa sa lahat ng bagay sa bahay. Kaya nanumbalik ang pagmamahal sa kanyang ama. Hindi naman nawala ‘yun andon pa rin naman. Kaya napatawad na niya ito. Minsan isang beses bigla nalang niyang niyaka

