Nasa himpapawid na si Erica ngayon pauwi ng Mactan Cebu. Sobrang stress na dinanas niya nitong nakaraang araw dahil sa ipinagbubuntis niya. Dinagdagan pa ng kung sinong Poncho Pilato na ‘yung nagsend sa kanya na confidential na mga larawan. Talagang pinanawan niya ng ulirat ang mga nakitang larawan na yun ng araw na iyun. Sumasakit ang ulo niya pagnaiisip niya ang mga larawan na ipinadala sa kanya. Lalong dinagdagan ang sama ng loob niya na muntik na siyang makunan. Hinding hindi niya mapapatawad ang gumawa sa kanya nito kung saka sakaling nakunan siya. Huwag naman sana hayaang mangyari ‘yun. Wala lang namang iba kundi sina Ken at Alliyah ang mga nasa larawan. Ang lahat pala ay palabas lang talaga. Walang happy ending sa kanila ni Ken. Andoon na, nakita na niya ang mga ebidensiyang

