Kinabukasay nasa trabaho na naman si Erica na ang daming iniisip. Kahit hilo siya ay pinilit niya pa ring magpakatatag. Nagising na naman siya kanina na wala ang asawa. Nauna nang umalis at nagbilin nalang ng note. Na busy ito masyado. Ano ba talagang pinagkakabusyhan nito? Depress na siya masyado sa kaiisip. Ito na naman oh pinaparamdam na naman ni Ken sa kanya ang stress. Jusko buntis pa naman siya. Nakatulugan nalang din niya kagabi ang sama ng loob dahil sa nakita. Pero umuwi din naman asawa niyang walang dalang balita at eksplenasyon tapos maaga ding umalis. Ganito nalang ba palagi? Palagi nalang siyang may makukuhang surpresa? At manghuhula kung ano ang kahihinatnan? Kung hindi pa nagpropose at hindi nagpaparamdam ng totoong pagmamahal si Ken sa kanya never na siyang magkakagani

