Naramdaman niyang parang may yumuyogyog sa kanya. Ginigising siya! Kaya ibinuka niya ang kanyang mga mata. “We’re here.” Si Ken pala. Nasa tabi niya hindi parin ito bumababa. “Gising na dali.” Pupungas pungas siyang tumingin sa palagid. Nasa loob parin sila ng sasakyan ng mapatingin siya sa labas ng bintana ay nasa parking lot na sila. Nakatulog pala siya saglit. Pero bitin! Medyo masakit na ang kanyang ulo. Binuksan nalang niya ang pintuan para makalabas. At pakiramdam niyay asar na asar pa naman itong asawa niya. Hindi siya tinulungan nitong magdala ng mga gamit. Napaka ungentleman naman. Jusko! Hinayaan nalang niya. Konti lang din naman tong mga gamit niya. Nasa 3rd floor lang sila mula sa parking lot ng pumasok sila sa elevator. Pinindot nito ang 8. Pagkarating nila sa 8th floor

