Araw ng Biyernes. Maaga siyang gumising at nag-impake ng mga ilang gamit para dadalhin nalang niya mamaya pagkauwi niya galing trabaho at diritsyo na siya sa airport at doon nalang sila magkita kita ng mga kasamahan. Alas 8:30 ng gabi pa naman ang flight nila, papuntang Boracay. Sa ngayon work muna siya. Nakapagbihis na siya papuntang trabaho. Palabas na siya ng kanyang kwarto ng madatnan niya ang asawa sa sala. Hindi parin ‘to natutulog? Napatingin ‘to sa kanya, maging siya rin dito. Mukhang kagigising lang din nito. s**t! Ang gwapo parin. Pilya talaga ang isa niyang utak. “Hindi ka man lang nagluto ng almusal para sa asawa mo?” Anito sa malumanay na boses. Napatirik naman ang kanyang mga mata sa tinuran nito. “Sorry naman bossing, kung hindi naman pala asawa kailangan mo kundi kat

