Jade's Point of View Nandito kasi ngayon ni Jackson Hyung sa grocery para mamili ng mga lulutuin namin para sa birthday ni Jace. Paboritong pagkain niya ang lulutuin namin, konti lang naman dahil kami kami lang naman ang magse-celebrate, wala siyang ininvite na kahit na sino gusto niya kami lang anim. Nandito na rin naman kami sa mall bibili na rin kami ng pang decoration para naman mag mukha talagang birthday hindi parang kumain lang kami. Bibili rin ng regalo si Jackson Hyung dahil hindi siya nakabili kahapon. "Kumpleto na ang lahat?" tanong ko kay Jackson Hyung nasa kanya kasi ang listahan ng bibilhin naming ingredients. "Yes," sabi niya sabay sara ng notebook na hawak niya. "Bayaran na natin." "Okay," sabi ko at tinulak ang push cart papunta sa cashier. Maaga kaming dumating dito

