Jade's Point of View
"Dahan dahan baka masira ang mga iyan,"
"Ilagay niyo naman iyan dito,"
Kasalukuyan ngayon na naglalakad ng green grass ang mga kinuha naming mga trabahador. Hindi kasi maganda ang mga d**o na tumutubo dati kaya pinaalis ko at pinakabitan ko ng bago. Nagpuputol din sila ng mga puno na kailangan nilang putulin para lumawak ang space na tatambayan ng mga estudyante.
Sabado ngayon kaya walang mga estudyante, pumasok lang ako dito para tignan ang ginawa sa garden.
"Sa dami ng mga kinuha mong trabahador paniguradong wala pang one month matatapos na ang project mo," sabi ni Hera na nasa tabi ko. Wala si Noona, hindi ko na siya pinapunta dahil wala rin naman siyang gagawin dito. "By the way, ang hot mo ah, parang bagay ka talagang maging lalaki." Nginisian ko lang siya sa sinabi niya.
Nakasuot kasi ako ngayon ng white polo, hindi nakabutones ang dalawang butones kaya medyo kita ang dibdib ko, blue short na hanggang tuhod, blue tennis shoes at black shades.
"Hot naman talaga ako kahit babae ako," mahinang sabi ko sakto lang na marinig niya.
"Ang yabang mo talaga kahit kelan," sabi niya.
"Mas mayabang ka kaya," sabi ko.
"Hindi ako mayabang, nagsasabi lang ako ng totoo 'no," sabi niya.
"So, do I," nakangising sagot ko.
"Hmmp, edi ikaw na ang hot," pagsuko niya kaya natawa na lang ako ng mahina. Pikon din 'to gaya ni Athena kaya ang sarap nilang asaring dalawa. "Tara na bili na tayo ng mga gamit para sa garden." sabi niya at naunang naglakad, umiiling naman ako na sinundan siya.
"MAGANDA ito kaya lang hindi ito ang hinahanap kong design ng upuan," sabi ni Hera.
Nandito kami sa furniture store dito sa mall, kumpleto lahat ng gamit ng bahay kaya kahit dito ka lang maghanap marami kang mahahanap pero maselan itong si Hera kung ano ang design na nilagay niya sa template niya iyon ang susundan niya kaya minsan kapag wala siyang mahanap nag o-order na lang siya sa ibang bansa na meron.
"Oh, this one is perfect parehas na parehas sa design na napili ko," sabi niya sa swing na nakita niya. "Miss, may lima ba kayong stock na ganito?" tanong niya sa sales lady.
"Wala po kaming stock ngayon pero pwede naman po kaming mag order," sagot ng sales lady. Napansin ko na tingin siya ng tingin sa akin kahit si Hera ang kausap niya.
Hindi na kasi ako nakikielam sa pagpili dahil wala naman akong alam pagdating diyan kaya si Hera na lang ang bahala dahil siya ang may expert pagdating sa pagpili. Hindi lang kasi design ang pinipili niya pati quality ng gamit para siguradong magtatagal ito lalo na sa labas ito ilalagay. Bigla kasing uulan tapos aaraw kaya may tendency na masira agad ang mga gamit sa labas.
"Mga ilang araw bago dumating ang mga ito?" tanong ni Hera.
"Mga isa o dalawang linggo, sa ibang bansa pa kasi namin kinukuha ang mga stock namin," sagot ng sales lady.
"Oh, kung ganun posible ba na makapag order kayo ng ganitong design?" tanong niya at pinakita ang picture ng mga outside chair na gusto niya.
"Oo naman po ma'am may stock sila na ganyan kaya lang may bayad po ang shipping dahil hindi ito kasama sa mga lagi naming ino-order," sagot ng sales lady.
"Ayos lang basta makapag order kami ng ganitong klaseng furnitures," sagot ni Hera.
"Okay po ma'am, punta po tayo sa office ng manager namin para ma-settle po ang o-orderin ninyo," sabi ng sales lady.
"Hera ikaw na lang muna ang pumunta doon may pupuntahan lang ako saglit," sabi ko sa kanya.
"Sure," sabi niya at sumunod sa sales lady habang ako lumabas ako ng furniture store at nag ikot ikot sa mall. Birthday bukas ni Jace kaya bibilhan ko siya ng ire-regalo ko sa kanya. First time ko siyang reregaluhan kaya dapat special ang ireregalo ko sa kanya. Hindi naman magpa-party si Jace dahil ayaw niya iyon kaya magsasalo salo lang kami sa bahay.
Una kong pinuntahan ay ang boutique shop, gusto ko siyang bilhan ng suit at necktie, bagay na bagay kasi sa kanya kapag nakasuot siya ng formal attire. Alam kong marami na siyang mga ganito pero iba naman kasi kung ako ang magbibigay sa kanya ng suit.
"Kailangan mo ba ng tulong sir?' tanong ng sales lady, 'yung boses niya parang nang aakit tapos 'yung dalawang butones ng blouse niya nakabukas kaya nakikita ang cleavage niya. Paniguradong sinadya niya ito dahil ang ibang mga kasama niya ay naka sara ang dalawang butones nila, siya lang ang naiiba.
Kahit naaasiwa ako sa kanya ayoko naman na maging bastos sa kanya kaya nginitian ko siya. "No need, kaya kong mamili," sagot ko.
"Oh, ganun ba?" sabi niya at pilit na tinatago ang pagkapahiya tsaka iniwan ako.
"Na-reject ka?" mahinang sabi ng kasamahan ng kumausap sa akin pero rinig ko naman dahil medyo malapit sila sa akin.
"Oo, hindi umubra ang charm ko, labas na nga itong cleavage ko pero hindi man lang niya pinansin," sagot nung kumausap sa akin.
"Baka kasi may jowa na," sabi ng isa.
"Sus, kahit na may jowa pa ang isang lalaki kapag nakakita ng babaeng kita ang cleavage maglalaway iyon pero siya dedma lang," sagot nito.
"Baka 'di ka lang type,"
"O baka lalaki ang hanap," Nagtawanan naman sila ng mahina.
Hindi ko na lang sila pinansin, tinuon ko na lang ang sarili ko sa paghahanp ng suit para kay Jace. Nasa black section ako dahil mas bagay ni Jace ang black suit, in fact puro black nga ang mga suit sa cabinet niya. Nang mahanap ko na ang suit at necktie na tingin ko babagay kay Jace ay pinabalot ko na ito pagkatapos 'nun nagpunta naman ako sa bilihan ng watches.
Hindi naman ako nahirapan maghanap ng relo dahil hindi naman mapili si Jace sa mga ito kahit anong makuha niya iyon ang susuotin niya pero most of his watch ay kulay silver madalang lang siyang magsuot ng gold watch kaya kulay silver ang binili ko sa kanya, hindi ganun ka flashy para masuot niya every day.
"Thank you sir, come again," sabi ng sales man doon.
Matapos kong mabili ang regalo ko kay Jace bumalik na akos a furniture shop at saktong lumabas na ng office si Hera.
"Ayos na ba lahat?" tanong ko sa kanya.
"Yes, dalawang lingoo ang hihintayin natin bago ma-deliver," sagot niya.
"Okay, at least bago ito dumating naka ayos na ang lahat," sabi ko.
"Oo nga," sabi niya.
"Saan naman tayo pupunta niyan?" tanong ko habang naglalakad kami.
"Sa bilihan ng mga bulaklak, mamimili tayo ng magandang ilagay, hindi ko pa kasi sigurado kung anong mas maganda basta kulay pink ang mga ito," sabi niya.
"Marami ka namang pagpipilian," sabi ko.
"Pero bago tayo pumunta doon kain na muna tayo, nagugutom na ako kanina pa," reklamo niya habang nakahawak sa tiyan niya.
"Saan mo ba gustong kumain?" tanong ko.
"Mag Jollibee tayo, matagal na rin akong hindi kumakain 'nun," sabi niya.
"Okay," sabi ko.
Naglakad na kami papuntang Jollie, pagdating namin pinaghanap ko na siya ng lamesa habang ako naman ang mag o-order. Habang nakapila ako napansin ko na malikot ang dalawang babae sa kanilang pila habang panaka-nakang nakatingin sa akin. Pa-sekreto naman akong napangisi sa kanila.
'Jayden, tignan mo ang daming babaeng nagkakagusto sa 'yo pero mas pinili pong itago sa malaking salamin ang mukha mo, kung sanang inayos mo ang sarili mo hindi ka mabubully,'
Maayos panigurado ang buhay niya kapag nag ayos siya at kung hindi rin sana niya duwag at lampa baka hindi iyon nangyari sa kanya. Kung kelan plano ko talaga umuwi dito sa pilipinas para makasama siya kahit ilang buwan pa.
"Ahm, Kuya," Napatingin naman ako sa dalawang babae kanina.
"Yes?" tanong ko.
"May tanong sana kami kung ayos lang sa 'yo," sabi niya.
"Sure," nakangiting sabi ko.
"May girlfriend ka na ba?" tanong niya.
Umiling naman ako. "Wala," sagot ko, kita ko naman na kinilig ang dalawa. "Pero may boyfrien ako." dagdag ko na bigla nilang kinatahimik. Wala akong pakielam sa kung anong iisipin nila sa akin basta proud ako na may boyfriend ako. Ako na ang susunod na o-order kaya iniwan ko na ang dalawa na nakatulala pa rin may space na nga sa harapan nila at nagrereklamo na ang mga nasalikod nila pero hindi sila gumagalaw.
"What's your order sir?" tanong sa akin ng cashier.
"Isang family meal A," sagot ko.
Parehas kaming mahilig sa chicken joy laging kulang sa amin ang isa kaya binibili na lang namin ay family meal para hindi kami mabitin.
"'Yun lang sir?" tanong niya.
"Yes," sagot ko.
"599 po," sabi niya.
Kinuha ko ang wallet ko tsaka kumuha ng 1000 at binigay sa cashier, matapos niyang mabigay ang sukli ko inasikaso na niyang kunin ang inorder ko. Hindi naman ganun katagal kaya agad naman siyang natapos.
"Thank you sir," sabi niya.
Tumango naman ako at kinuha ang inorder ko. Hinanap ko kung saan ang piniling pwesto ni Hera, agad ko naman siyang nakita dahil malapit lang naman siya sa counter.
"KAPAGOD," sabi ko habang nakadapa sa kama ko.
Kaya ayoko rin talagang mag shopping dahil nakakapagod, hindi ko alam kung paano nakayanan ni Hera ang maglakad naka heels pa naman siya. Sabagay sanay din naman siya sa heels. Nagsusuot naman ako ng mga heels kapag may special occation pero ilang minuto ko pa lang isuot masakit na sa paa pero tinitiis ko na lang.
Mabui na lang ng dumating ako wala si Jace kaya naitago ko ang binilo ko sa cabinet ko. Hindi naman iyon nagbubukas ng cabinet kaya hindi niya ito makikita.
"Ang sakit ng paa ko," reklamo ko.
"Would you like me to massage your foot?" tanong ni Jace.
"Yes, please," sabi ko.
"Lie down and lean on the headboard," Sinunod ko ang sinabi niya pagkatapos 'nun umupo siya sa may paanan ko at inumpisahan itong masahiin. "Where did you go? Why did your foot hurt?"
"Bumili ka ng mga furnitures para sa garden at sa greenhouse," sagot ko habang nakapikit. Ang galing niya talagang magmasahe pero madalas ko lang naman pinapamasahe sa kanya ang kamay at paa ko, hindi naman pwede sa katawan dahil baka mahalata niya na face lang iyon.
"Why don't you just order others?" tanong niya.
"Hindi pwede maselan pagdating sa gamit si Hera gusto niya 'yung good quality at gusto ko naman na ganun para hindi agad masira, sinamahan ko na rin siya dahil matagal na siyang hindi nagpunta dito sa pilipinas baka maligaw pa siya," sagot ko.
Hmm, okay," sabi niya.
"Hindi mo ba talaga iimbitahan ang mga magulang mo bukas?" tanong ko sa kanya. Birthday niya dapat kasama niya ang mga magulang niya.
"They are always busy and they don't have time to go here," sagot niya na parang wala lang sa kanya. "I'm also used to them not being with me on my birthday, so it's okay not to have them, and my birthday will be happy because you came into my life."
Napangiti naman ako sa sinabi niya. "Masaya rin naman ako na dumating ka sa buhay ko," sabi ko. 'Yung akala kong habang buhay na madilim ang mundo ko pero mula ng dumating siya nagkakulay bigla ang buhay ko.
huminto siya sa pagmamasahe tsaka lumapit pa sa akin. "You are the best gift I will receive on my birthday. I love you,"
"I love you too," sabi ko. Nilapit niya ang mukha niya sa akin at hinalikan ako sa labi, ito ang unang beses na hinalikan niya ako kahit nung naging kami hinalikan lang niya ako sa noo.
Naputol ang paghahalikan namin ng may kumatok sa pintuan namin. "Jayden, Hunter kain na tayo," sabi ni Jackson Hyung.
"Okay," sagot ko sa kanya tapos humarap kay Jace, kita ko sa mukha niya ang inis. "Tara kain na tayo."
"Tsk," inis na sabi niya pero sumunod naman siya sa akin.
"Oh, bakit ang sama ng timpla ni Hunter?" tanong sa akin ni Tayler Hyung.
Natawa naman ako ng mahina. "'Wag mo na lang siyang intindihin," sagot ko at naupo sa upuan ganun din si Jace.
Kinuha ko ang mangkok na may kanin at naglagay sa plato ko nilagyan ko na rin si Jace na hanggang ngayon inis na inis pa rin kaya mas lalo lang akong napangiti. Ganito pala kapag nabibitin.
To be continued...