Jade's Point of View "Jayden heto na ang listahan ng mga sasali sa Sport Festival," sabi ni Noona tsaka nilapag ang hawak niyang listahan agad ko namang kinuha iyon. "Salamat," sabi ko tsaka tinignan. "Marami rin pa lang gustong sumali ng Sport Festival." "Kahit pasaway ang mga estudyante dito noon, maaasahan naman sila pagdating sa mga sport laging champion ang school namin sa mga sports," paliwanag niya. Tumango naman ako sa sinabi niya. "Sa mga booth meron na bang nagbigay?" tanong ko, kailangan kong malaman ang napili nilang booth para ma distribute ko na ang mga funds na gagamitin nila. Maibabalik anman nila sa akin iyonkapag kikita sila at para mas pag isihan nila nagpa contest ako. Mabibigyan ng one week vacation sa resort ng may ari ng school ang booth na pinaka maraming kini

