Jade's Point of View "Simulan na natin ang final," sabi ng mc. Nag sigawan naman ang mga nanunuod. Natapos na ang laban ng mga kalahok kanina at ang nanalo ay ang Seven Deadly Sins. Malalakas naman kasi talaga sila kaya hindi na nakakapagtakang mananalo sila. Kahit seven sila pinasali na namin silang lahat, isa lang naman ang nadagdag sa kanila at mas maganda kung mas marami ang makakalaban namin. "Nice to meet you Prince matagal na kitang gustong ma meet," sabi ni Pride sa akin. "Bakit naman?" tanong ko. "Dahil na curious ako kung paano mo nagawa iyong biglang magsulpot mo sa likod ng kalaban mo," sabi niya. "Kahit curious ka wala ka namang makukuhang information doon," sagot ko sa kanya. Tumawa naman siya. "I know pero curious pa rin ako," sabi niya. "Will you just gossip or fig

