Jade's Point of View
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko kay Jackson, siya ngayon ang nag da-drive ng kotse ko.
"Sa Underground Arena," sagot niya habang nakatutok ang mata sa daan. "Kailangan mong mabinyagan bilang bagong Gangster. Paniguradong kalat na sa mga gangster na may bago kaming member kaya titignan nila kung karapat-dapat ka bang maging member ng Gang namin."
Bigla naman akong napangisi sa sinabi niya, na excite tuloy ako na makarating agad doon sa sinasabi niyang Underground Arena.
"Excited?" tanong niya ng saglit na napatingin sa akin.
"Yes, matagal tagal na rin nung makipaglaban ako," sagot ko.
"Pero ilang araw pa lang ng makalaban mo ang Poisonous Gang ah," sabi niya.
"Hindi naman laban ang ginawa namin, hindi ko man lang nagamit sa kanila ang buong lakas ko," sagot ko.
"Well, tama ka naman, hindi nga ganun kalakas ang Poisonous Gang pero kung normal na tao lang ang nakakalaban nila malalakas sila," sagot niya.
"Pero gangster ba talaga nag mga iyon?" tanong ko.
"Yes but they're rookies, hindi nila kayang makipagsabayan sa mga beteranong gangster kaya sila sumasali sa mga Gang Battle at Gangster War. Ginagamit lang nila ang pagiging gangster nila para katakutan lang sila," sagot niya. Napatango naman ako sa sinabi niya. "Nandito na tayo." sabi niya tsaka lumabas, sumunod naman ako sa kanya. Isa isa ring nagsilabasan sa mga kotse nila sina Hunter, kanya kanya ng kotse sina Hunter at Tayler habang isang kotse ang kambal.
Napatingin ako sa bar na nasa harap ko pero paniguradong hindi ito normal na bar lang. Gaya ng sinabi ni Jackson pupunta kami sa Underground Arena kaya paniguradong ito ang arena na sinasabi niya. Ginawa lang sigurong cover itong bar, kahit naman normal na sa mga tao na may mga gangster kailangan pa rin nilang itago ang mga activities na gagawin nila para hindi ito puntahan ng mga hindi gangster.
"Siguro naman sinabi na sa 'yo ni Jackson ang gagawin natin dito diba?" tanong ni Samuel. Tumango naman ako. "So, ready ka na ba Jayden?"
Ngumisi naman ako. "I'm born ready," sagot ko.
"'Yan ang gusto ko sa 'yo eh," sagot niya.
Naglakad na kami papasok ng bar, halos sabay sabay na napatingin ang mga tao ng makapasok kami. Kita ko naman na kinikilig ang mga babae ng makita nila kami.
"OMG ang Enigmatic Royalty,"
"Sino 'yung isa nilang kasama? 'Yun ba ang sinasabi nilang bagong member nila?"
"Oo, Prince raw ang codename,"
"Wow, bagay na bagay sa kanya mukha naman siyang prinsepe,"
Pumasok kami sa isang room at sa loob 'nun ay may isang elevator. Mas malaki ito kumpara sa normal na elevator at sobrang modern ng itchura. Pumasok na kami sa loob ng elevator pagkatapos pinindot ni Jackson ang botton na may U means Underground.
Nakakabinging ingay ang bumungad sa amin pagbukas ng pinto ng elevator, may kanya kanyang sinisigaw na pangalan ang mga tao sa kasalukuyang nagaganap na laban sa malaking ring sa gitna.
"Oo nga pala laban nga pala ng Black Tiger at Flame Thunder," sagot ni Samuel.
"Sino kaya ang mananalo sa kanila?" tanong ni Skylar.
"Ewan parehas na malakas ang mga iyan," sagot ni Tayler.
Tinignan ko naman ang dalawang gang na naglalaban ngayon. Magagaling nga sila gaya ng sabi nina Samuel, hindi sila kaya ng Poisonous Gang na puro yabang lang pero sila makikita mo talaga na malalakas sila base pa lang sa aura nila.
"Tara doon muna tayo sa private room namin habang hindi pa natatapos ang laban," sabi ni Jackson sa akin.
"May private room din kayo dito?" tanong ko.
Sa school may private room sila pati ba naman dito meron?
"Well, VIP kasi kami dito," sagot ni Tayler. "Kami kasi ang Rank 1."
"So, parang kayo ang mas matataas sa kanila?" tanong ko.
"Yes," sagot niya.
Parang kagaya rin pala sa mundo ng mafia na kung sino ang mas mataas sila ang laging ginagalang at kinakatakutan.
"GANITO lang ang gagawin mo tatalunin mo lang ang isang daang kalaban mo ng isang oras," sabi ni Jackson sa akin.
Nasa stage kami ngayon para sa laban ko ko ngayon at may mga 100 na gangster din ang nandito hinihintay na mag umpisa ang laban pero kahit hindi pa nag uumpisa ang laban marami ng mga nag iinit, maraming mga tingin na nagkamaliit sa akin pero wala naman akong pakielam sa kanila.
"Ano ang mga rules?" tanong ko.
"Isa lang naman ang rule, 'wag ka lang pumatay," sagot niya.
"So, kahit na may ma-coma ayos lang?" tanong ko.
"Pwede naman basta 'wag lang itong mamatay, once na mamatay ito mapaparuhan ka," sagot niya.
Napasimangot naman ako. "Boring, walang dugo na dadanak," sabi ko.
Sanay ako na may napapatay ako mas nakakabuhay kasi ng dugo kapag nakikita kong nalalagutan sila ng hininga pero hindi naman ako pumapatay ng inosente.
"Pwede naman na may dumanak ang dugo basta wala lang mamatay," sagot niya.
"Okay," sagot ko na lang.
"Kung ganun magsisimula na tayo," sabi niya pagkatapos naglakad pababa ng stage.
Napatingala naman ako ng may marinig akong bumababa mula doon, isang harang. Mas lalo naman akong na-excite sa nakita ko.
"Okay, let's the fight begin," anunsyo ni Jackson ng mababa ng tuluyan ang harang.
Nagsilapit sa akin ang mga kakalabanin ko at lahat sila nakangisi sa akin.
Third Person's Point of View
"Hindi ko maintindihan kung bakit ang mahinang gaya mo ang mapasali sa Enigmatic Royalty," sabi ng lalaking malaki ang katawan at punong puno ng tattoo. "Sa liit mong 'yan baka hipan lang kita mabalian ka na ng buto." Nagtawanan ang mga kalaban ni Jade sa sinabi nito pero walang imik na nakatingin lang ito sa kanila habang nakapamulsa ang kamay.
Nakita nito na walang pakielam si Jade sa sinabi niya ay nainis siya.
"OH, ANO WALA KA BANG SASABIHIN HA?" sigaw nito.
"Tsk," singhal ni Jade at isang kisap mata bigla siyang nawala sa pwesto niya at nagulat na lang anh mga tao ng bumalagta ang lalaking nagsalita. "Ang dami mong sinasabi bakit hindi ka na lang sumugod." Inis na sabi ni Jade, ito ang dahilan kung bakit walang malay ngayon ang lalaki.
Hindi makapaniwala ang mga nanunuod sa nasaksihan lalo na ang Enigmatic Royalty, nagtataka sila kung paanong nagawa ni Jade na bigla na lang makarating doon na hindi man lang nila napansin.
Kahit si Hunter ay hindi malaman ang dahilan kung paano nagawa ni Jade iyon. Nung bumalik ito galing sa pagkakahospital naramdaman niya na may nagbago dito, hindi na ito ang dating Jayden na kilala niya. Ang kilala niyang Jayden ay duwag at lampa, ni-minsan hindi niya maiisip na magiging malakas ito.
Napaka-imposibleng sa isang iglap lang ay bigla na lang itong lalakas pero naisip niya rin ang sinabi nito na nagpapanggap lang ito na mahina noon. That make sense, kung ganun nga ang nangyari hindi nakakapagtaka na sobrang lakas pala talaga nito.
Nakikita man lagi ni Jade na lagi siyang tulog pero hindi ang totoo ay hindi nakapikit lang ito at pinapakiramdaman ang bawat galaw nito.
Nabalik ang diwa ni Hunter ng magsigawan ang mga tao, doon niya nakita na kalahati na ng mga kalaban ni Jade ang nabawasan at lahat ng mga natalo niya ay hindi na tumatayo pang muli dahil wala ng itong mga malay.
"Wow, alam kong malakas si Jayden pero hindi ganito ang inaasahan ko," manghang sabi ni Tayler.
"Ginugulat talaga tayo ni Jayden kahit kelan," sabi ni Jackson.
"Oo nga halos araw-araw yata may pinapakita itong bago," sabi ni Samuel. Sumang ayon sila sa kanya.
Napakabilis ng bawat galaw ni Jade, halis hindi na masundan ng mga manunuod ang mga ginagawa niya. Para lang itong sumasaway sa galaw niya, hindi man lang siya nagagalusan ng mga kalaban niya.
Naghiyawalan lahat ng mga manunuod ng bumagsak na lahat ng mga kalaban ni Jade. Walang ni-isa sa kanila ang nakatayo muli lahat sila ay walang malay.
"Wow, ang galing mo Jayden," sabi ni Jackson kay Jayden habang paakyat sa stage kasabay ng dahan-dahang pag akyat muli ng mga harang sa taas. "Wala pang kalahati ng isang oras natalo mo na lahat ng mga kalaban mo. Ito ang pinakamabilis na laban na nasaksihan ko."
Totoo iyon, sa ilang taon na naging gangster si Jackson, hindi pa 'nun na bubuo ang Enigmatic Royalty, wala pa siyang nasaksihan na ganun kabilis na laban lalo na ay isang daan ang kalaban nito at mag isa lang ito.
"Hindi talaga kami nag kamali na isali ka sa grupo namin," dagdag niya.
"Wala na ba?" tanong ni Jade. "Hindi pa ako pinagpapawisan eh." Parang nag warm up pa lang siya sa ginawa niya, hindi man lang siya napagod doon.
Hindi maiwasang magulat ni Jackson sa kanya. "Grabe ka, kulang pa sa 'yo iyon? Isang daan na ang mga nakalaban mo."
"Tsk, walang wala iyon sa sampung libo na nakakalaban ko noon," sagot ni Jade.
Napanganga naman si Jackson sa sinabi nito. Hindi niya alam kung nagbibiro lang ba ito pero sa reaction nito mukhang hindi ito nagbibiro.
Natawa na lang si Jackson. "Ibang klase," umiiling na sabi niya. "Hanggang kelan mo kami gugulatin ha?"
Napangisi naman si Jayden. "Nag uumpisa pa lang ako, baka kapag nalaman mo ang mga iba baka lumuwa na ang mata mo." Nakakapagtaka man pero hindi siya nayayabangan sa sinabi nito dahil sa mga pinakita pa lang nito nakakagulat na paano pa kaya sa mga susunod pa.
"Sige na ikaw na ang malakas," sagot ni Jackson. "Dahil sa pagkapanalo mo, officially ka na talaga na member ng Enigmatic Royalty, kaya kailangan natin itong i-celebrate."
Jade's Point of View
Nandito kami ngayon sa isang restaurant at ang sabi ni Samuel pagmamay ari ito ng pamilya ni Hunter. Well, hindi na nakakagulat dahil lahat naman ng nag aaral sa Golden Dawn Academy ay mga rich kids.
"Kain lang ng kain Jayden, lahat ng iyan libre ni Hunter," sabi ni Tayler sa akin.
"I'm full," sagot ko, kanina pa ako kumakain.
"Busog ka na agad? Ang konti lang ng kinain mo," sabi ni Samuel.
"Marami na iyon para sa akin," sagot ko.
"Hay, naku para ka talagang babae kung kumain," sagot niya.
'Kung alam mo lang na tama ka Samuel.'
"'Wag ka ng marami pang sinasabi diyan kumain ka na lang diyan," sagot ko.
"Oo na, para ka namang nanay kung makasaway, tandaan mo mas matanda ako sa 'yo," sagot niya.
"Tatlong buwan lang, 'wag mong ipagmalaki," sagot ko.
April kasi ang birthday namin ni Jayden at January naman sjla ni Skylar.
"Oo nga, ang yabang yabang mo akala mo dalawang taon ang tanda mo sa kanya," sabi ni Skylar.
"Kahit na, tatlong buwan pa rin iyon malayo na kaya dapat tawagin mo akong Hyung," sagot niya.
"Ayoko, sina Jackson nga 'di ko tinatawag ng ganyan ikaw pa kaya?" sagot ko.
Isa pa hindi ako sanay na may tinatawag akong Kuya o Ate, lumaki akong walang tinatawag na Ate o Kuya.
"Hindi pwede 'yan, dapat gumalang ka," sabat ni Tayler.
Hindi ko pinansin ang mga sinasabi nila perp sobrang kulit nila kaya napasuko na lang ako.
"Oo na, tatawagin ko na kayong Hyung, happy?" inis na sabi ko.
"Ayan dapat lang na ganyan, gumalang ka, baka sabihin nila hindi ka namin pinalaki ng maayos," sabi ni Tayler.
Ang kukulit talaga nila, hindi talaga nila ako titigilan hangga't hindi nila nakukuha ang gusto nila.
"Masanay ka na sa kanila dahil lagi mo na silang makakasama," sabi ni Jackson Hyung sa akin.
Tsk, kailangan ko ng sanayin ang sarili ko na tawagin silang Hyung.
"Ano pa nga ba," sagot ko.
Matapos namin kumain nagkayayaan pa sila na mag inuman. Wala na rin naman kaming pasok bukas dahil sabado kaya ayos lang na malasing kami.
Maliban sa amin nina Jackson Hyung at Hunter Hyung, lasing na amg mga ito. Nakakailang bote palang sila pero lasing na lasing na sila.
Mataas ang tolerance ko sa alak kahit nakaka tatlong bote na ako hindi pa rin ako lasing. Dinahan dahan na rin namin ang pag inom dahil walang maghahatid sa mga ito.
"Lakas talaga uminom ng mga ito pero ang dali namang malasing," sabi ni Jackson ng bumagsak na ang tatlo.
"Ganito ba sila lagi?" tanong ko at ininom ang binigay niyang shot sa akin.
"Oo, sila lagi ang nag aayang mag inuman pero sila ang unang bumabagsak," sagot niya. "By the way, nakakailang bote ka na rin pero hindi ka pa rin nalalasing?"
Umiling ako. "Mataas ang tolerance ko sa alak," sagot ko.
"Ayos atleas may kasabayan ako sa inuman," sagot niya.
"Ako rin," sagot ko.
Bigla naman itong tumayo. "Tara uwi na natin ang mga ito para makauwi na rin ang mga employee dito," sabi niya.
Sabagay kami na lang ang nasa restaurant, kawawa naman ang mga employee kung matatagalan silang umuwi dahil sa amin.
Isa isa namin binuhat ang tatlo sa kotse ng kambal, si Jackson Hyung ang mag hahatid sa kanila. Iiwan muna ang kotse ni Tayler dito babalikan na lang niya ito bukas.
"Mag ingat ka Jayden," sabi niya.
"Ikaw din Hyung," sagot ko tapos binaling ko ang tingin kay Hunter Hyung. "Ikaw din Hyung." sabi ko sa kanya, tumango naman siya as a respond.
Sumakay na kami sa mga kotse namin pagkatapos pinaharurot na ito.
To be continued...