Chapter 7

2044 Words
Jade's Point of View "Jayden, gising na," sabi ng isang boses habang tinatapik ako. "Magsisimula na ang pagpapakilala namin sa 'yo." Napamulat naman ako sa sinabi niya pagkatapos nag unat ako. Kahit papano nabawi ko ang tulog ko kaya nawala na ang inis ko.  "Good morning," nakangiting bati ko kay Jackson. "Ayos ka na? Hindi na ba mainit ang ulo mo?" tanong niya na ikipinagtaka ko. "Ha? Sinong mainit ang ulo?" tanong ko. "Ikaw, kanina kaya para kang papatay ng tao, ang itim ng aurang lumalabas sa 'yo kahit si Hunter natakot sa 'yo," sagot niya. Bigla naman akong natawa sa sinabi niya. "Ah, 'yun ba?" sabi ko ng maalala ko ang ginawa ko kanina. "Pasensya na kung nasungitan ko kayo, ganun talaga ako kapag kulang ako sa tulog o sobrang aga kong nagigising. Ikaw kasi ang aga mong magpapasok." Napakamot naman siya sa batok. "Ganun ba? Okay, tatandaan ko iyan 'wag na 'wag kang papasukin ng maaga," sabi niya habnag tumatango. "Tara na, nandoon na lahat ng mga estudyante tayo na lang ang hinihintay nila." "Okay," sabi ko sabay tayo. Naunang naglakad si Jackson habang nakasunod lang ako sa tabi niya, ilang minuto lang ang nilakad namin nakarating kami sa napakalaking Auditorium ng school. Sobrang yaman talaga ng may ari ng school, sobrang lawak ng school tapos lahat ng mga rooms ay naka aircon kahit nga sa hallway napakalamig tapos 'yung canteen parang isang five star restaurant, meron pang mga dorm na akala mo nasa isang hotel ka dapat naka dorm si Jayden pero dahil may binigay na si Dad sa kanya ng condo doon siya tumira, malapit lang naman ito sa school niya. Pagkarating namin sa stage pinaghintay muna ako dito ni Jackson bago sila lumabas lahat papunta sa stage. "Good morning schoolmates," bati ni Jackson sa mga estudyante. "Siguro naman aware na kayo kung bakit namin kayo pinatawag kaya hindi ko na patatagalin pa ito, tinatawagan ko ang bago namin member, Prince." Kasabay ng paglabas ko ng stage ay ang pagpalakpak ng mga estudyante. Wow, alam kong marami ang mga estudyante dito pero ngayon nagsama sama sila nakita kong mas marami ito sa akala ko. "OMG! Sabi ko na isasali nila si Jayden sa gang nila," "Tama kaya at bagay na bagay sa kanya ang pangalang Prince, mukha naman siyang prinsepe," "May gusto ka bang sabihin sa kanila?" tanong sa akin ni Jackson na ikinakunot ng noo ko. "May kailangan ba akong sabihin?" tanong ko, wala naman kaya siyang sinabi ang sabi niya lang ipapakilala niya ako. "Kahit mag hello ka lang at konting speech," sagot niya. Gusto kong umirap sa sinabi niya pero sinunod ko pa rin ang sinabi niya. "Hello, I'm Prince, the new member of Enigmatic Royalty. Nice to meet you all," sabi ko at nagbow ng pang prinsepe. Nakakabinging sigawan naman ang narinig ko ng makatayo ako ng tuwid. "So, alam niyo na na member na ng Enigmatic Royalty si Jayden wala ng magtatangkang kunin pa siya dahil pag mamaari na namin siya," sabi ni Jackson sa mga student. "And that's all thank you for giving your time to us."  Pagkatapos nung pagpapakilala nila sa amin sabay kaming anim na nagpunta sa canteen, maaga pa naman para sa first subject namin kaya kakain na muna kami ng almusal namin. Coffee and sandwich ang inorder ko hindi ako kumakain ng kanin kapag umaga. "Mabubusog ka ba diyan sa inorder mo?" tanong ni Samuel habang naglalakad kami papunta sa second floor. "Yes," sagot ko. "Dapat kumakain ka ng kanin sa umaga para mas lumakas ka," sabi niya. "Ayokong kumakain ng heavy meal sa umaga dahil paniguradong hindi ako makakain ng lunch dahil hindi pa bumababa 'nun ang kinain ko," sagot ko, kaya nga ayokong magpakabusog sa umaga dahil paniguradong hanggang lunch na iyon. "Para kang babae kung ganun," sabi niya. "Hindi naman kasi kita kasing katawan," sagot ko. "Ikumpara mo nga 'yang katawan mo sa katawan ko." Napatingin naman siya sa katawan ko mula ulo hanggang paa. "Sabagay tama ka," sagot niya at nilapag namin ang pagkain namin sa table ng makarating kami sa pwesto namin. "Pero ang lakas mo kahit maliit 'yang katawan mo." "Wala naman sa laki ng katawan ang pagiging malakas," sagot ko. "Tama," sang ayon sa akin ni Tayler. "Kaya don't judge the book by its cover, 'wag basta basta maliitin ang taong mas maliit sa 'yo." "Tama, tama," sang ayon ni Skylar habang tumatango. "Nung una ganyan ang iniisip namin, nagulat kami ng matalo mo ang Piosonous Gang eh ang liit liit mo pero wala naman talaga sa laki o liit ng katawan ang pagiging malakas. Yung iba hanggang laki lang ng katawan pero wala namang binatbat." Totoo, may mga malalaki ang katawan na ang yabang yabang porket malaki ang katawan nila tapos maliit at payat ang kalaban mamaliitin pero wala naman binatbat ahil puro kayabangan lang naman ang laman ng utak niya. Marami na akong nakakalabang ganun tinatawanan nila ako kapag nakikita nila pero lahat naman sila tumba. NASA LOOB kami ng room, maiingay ang mga kaklase  dahil wala pa ang first subject namin. Late na siya ng 30 minutes, wala man lang siyang pasabi na mali-late siya. Tsk, 'yang mga teacher na iyan grabe kung maka late pero ayaw na ayaw naman nila ng mga na-le-late.  Gusto kong matulog pero hindi ako makatulog dahil ang iingay ng mga classmate ko. Habang nakapikit ako biglang may bagay na papalapit sa akin mula sa binta, nasa tabi lang kasi ako ng bintana. Sarado ang bintana kaya ng dumaan ang bagay na iyon ay nabasag ito at ng makalapit ito sa akin nakapikit ko itong sinalo. Rinig ko naman ang tili ng mga babaeng kaklase ko. Minulat ko ang mata ko para tignan ang nasalo ko, isang pana. Tinignan ko kung saan nanggaling ang panang ito pero wala na akong nakita. "Jayden," nag aalalang sabi nina Skylar at Samuel ng makalapit sila sa akin. "Ayos ka lang?" tanong ni Samuel. "Yeah," sagot ko habang seryoso pa ring nakatingin sa labas. May idea na ako kung sino ang may gawa 'nun paniguradong iyon ang taong dahilan kung bakit nasa hospital ngayon si Jayden. Base sa naramdaman ko kanina hindi ordinaryong tao iyon, napakalakas ng aurang naramdaman ko sa kanya. Ano bang klaseng tao ang nakabangga ni Jayden? Bakit parang gusto siyang patayin? "Akin na muna iyan Jayden," sabi ni Samuel at kinuha sa akin ang pana. "Ibibigay ko ito kay Jackson Hyung para maimbistigayan niya kung sino ang may gawa nito." Dahil sa nangyari kinansel na muna ang first subject namin habang iniimbistiga nila kung sino ang taong nagpana. "AYOS KA lang?" tanong ni Jackson, kasalukuyan kaming nasa Royalty Room. "Oo ayos lang ako," sagot ko. "Kilala mo ba kung sino 'yung nagpana sa 'yo?" tanong niya. "Hindi ako sigurado pero may idea ako," sagot ko. "Sino?" tanong niya. "Baka isa siya sa mga dahilan kung bakit ako na hospital noon," sagot ko. "Pero bakit pinupuntirya ka ulit ngayon?" tanong ni Tayler. "Hindi ko alam," sagot ko. Hindi ko alam kung ano bang nangyari kay Jayden noon kung bakit may gustong pumatay sa kanya. May nagawa ba siyang hindi niya dapat gawin? Imposible na may nakaaway lang siya dahil hindi siya sasayangan ng oras ng ganito para lang patayin siya. Mabuti na lang at ako ngayon si Jayden baka kung siya iyon kanina pa siya pinaglalamayan. Hindi lang normal na pana iyon dahil may nakahalong lason iyon base sa naamoy ko kanina. Hindi magiging Poison ang codename ko kung wala lang, kaya kong malaman ang iba't ibang lason base lang sa amoy nila at immune na ako sa mga lason. Nung 7 years old pa lang ako, nakidnap ako noon ng isang baliw na scientist, pinag ekspirumentuhan niya ang katawan ko ng mga iba't ibang lason. May ituturok siyang lason pagkatapos ay ang antidote at paulit ulit na ganun, iba't ibang lason at iba't ibang antidote. Limang buwan niya akong pinag ekspirumentuhan bago ako mahanap ni Dad, hindi pa ganun ka impluwensya si Dad kaya hindi niya agad ako nahanap. Dahil nasanay ang katawan ko sa tinuturok nitong lason hinahanap hanap ko ito ng natigil ang pagturok sa akin. Nabaliw ako dahil doon kaya walang nagawa si Dad kundi ipadala ako sa mental hospital para gumaling ako. Tatlong taon akong namalagi sa mental bago ako gumaling. Matapos ng nangyaring iyon nagdesisyon si Dad na i-train na ako para mas ma-protektahan ko ang sarili ko. Hanggang sa nakilala ako bilang ang kinakatakutang si Poison, iyon ang naisip ko ng malaman ko na walang ipekto sa akin ang ano mang lason na pumapasok sa katawan ko. "Mukhang malaking tao ang nakabangga mo dahil base sa lason ng pana mga mafia boss o matatas na tao lamang ang makakabili ng lason na ito," sagot ni Jackson. I know kaya sobra akong nag aalala sa kung anong mangyayari kay Jayden. Talagang tama lang ang desisyon ko na magpanggap na siya. "Ano bang ginawa mo at may nakabangga ka na ganung tao." "Hindi ko alam, wala akong maalala basta ng magising ako nasa hospital ko," sagot ko na lang, wala naman akong maisagot sa kanila dahil wala rin akong alam sa kung sino ang nakabangga ni Jayden. Napabuntong hininga na lang si Jackson. "Dahil member ka na rin ng Enigmatic Royalty, hindi namin hahayaan na mapahamak ka, kung sino man ang kalaban mo ay kalaban narin namin," sagot niya. Natigil naman ako sa sinabi niya, bago lang sa akin ang mga salitang iyon kaya naninibago ako. Sa lahat ng mga naging ka-grupo ko wala pang nagsabi ng ganun sa akin, lahat sila iniiwan na ako kapag napakinabangan na nila ako kaya mula noon hindi na ako sumali pa sa mga grupo at mag isa na lang akong ginawa ang misyon ko. "Hindi niyo naman kailangan gawin iyon, ako ang pumasok sa gulong iyon kaya ako lang dapat ang humarap doon," sagot ko, ayokong umasa sa sinabi ni Jackson dahil lahat ng salita na babali. "Wala ka ng magagawa, kasali na kami sa gulo mo dahil isa na tayong lahat," sabi ni Tayler. "Tama, pamilya tayo dito kaya kung anong problema ng isa problema ng lahat," sagot ni Skylar. Hindi ko alam pero parang may humaplos sa puso ko sa sinabi niya parang sinasabi nito na magtiwala ako sa kanila na hindi sila kagaya ng mga taong nakasalamuha ko. Well, wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko na pagkatiwalaan sila. Maging alerto na lang ako kung sakaling traydorin nila ako. "Kayo ang bahala," sagot ko na lang. Pinatawag ako ng Dean at tinanong ako kung ano bang nangyari, sinabi ko naman sa kanya ang mga sinabi ko kina Jackson kanina. "Kapag nangyari ulit ito Mr. Jayden, sabihin mo lang sa akin," sagot niya. "Yes, Dean," sagot ko. "Pwede ka ng lumabas," sagot niya. Nag bow muna ako ako bago ako lumabas. Paglabas ko naabutan kong naghihintay sa akin sina Samuel at Skylar, nauna na ang tatlo sa klase nila kaya naiwan na lang ang dalawa para hintayin ako. "Tara na, baka dumating na ang second Prof natin," sabi ni Samuel. Naglakad na kami papunta sa room namin pagpasok namin kanya kanyang pangungumusta ang ginawa ng mga classmate ko sa akin.Kung makapagtanong sila sa akin akala mo sobrang lala ng nangyari pero nung araw na nagpanggap ako na si Jayden alam nila na galing ako ng hospital pero wala man lang silang ginawang ganito. Siguro kung nanatili ako sa totoong itchura ni Jayden ganito pa kaya ang gagawin nila sa akin? Sabi ko nga napaka unfair talaga ng buhay, kapag may itchura at mayaman ka doon ka lang nila papahalagahan dahil alam nila na may pakinabang ka na sa kanila pero kung mahirap ka at walang itchura mababa ang tingin nila sa 'yo. "Ayos lang ako 'wag na kayong mag alala," nakangiting sabi ko sa kanila. "Sigurado ka?" tanong ng isa kong babaeng kaklase. "Yes," sagot ko. "Pero nakakamangha ang ginawa mo kanina Jayden, aklain mo iyon nasalo mo ang pana habang nakapikit pa," manghang sabi ng katabi kong kaklaseng lalaki. "Malakas lang talaga ang reflexes ko kaya nagawa ko iyon," sagot ko. Pasalamat ako ng dumating ang second Prof namin kundi hindi ako titigilan ng mga ito. Ang dami nilang tanong, iyon pa naman ang ayaw na ayaw ko. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD