Jade's Pointof View Matapos namin maglunch naglakad na kami pabalik sa pupuntahan namin, habang naglalakad kami nakita namin si Noona na papalapit sa amin. "President may naghahanap sa 'yo sa gate," sabi niya. "Sino?" tanong ko. "Magandang babae at sa narinig ko sa mga nakakakilala sa kanya isa raw siyang model sa Italy," sagot niya. Kilala ko na kung sino iyon. "Sige salamat," sagot ko pagkatapos naglakad papunta sa may gate. "Kilala mo ba iyon?" tanong ni Noona na nakasunod sa akin. "Oo, si Athena best friend ko," sagot ko. "Model si Noona?" gulat na tanong ni Samuel Hyung. "Hindi ko ba nasabi sa inyo?" tanong ko. "Hindi kaya nga kami nagulat," sagot niya. Sabagay. Nakaligtaan ko sigurong sabihin na model ito. Kilalang model si Athena sa Italy lahat gusto siyang kuning model da

