Jade's Point of View Mabuti na lang may shower ang c.r ng office ko kaya nahubad ko ang artificial body habang naliligo ako. Kung hindi dahil sa lalaking iyon hindi ako maliligo sa putik at kapag hindi ko ginawa iyon ay hindi ito susunod sa akin. Umpisa pa lang alam ko na hindi ko sila mapapasunod lang sa bagong pataran na meron ako kaya kailangan kong gumamit ng dahas para mapasuod sila. Hindi ko man sila mapapasunod ngayon pero balang araw. Pagkatapos kong maligo at magbihis lumabas na ako ng c.r, paglabas ko nandoon ang Enigmatic Royalty. Si Hunter Hyung lang naman ang pinapapunta ko dito para kuhanin ako ng bagong uniform pero lahat sila dumating. "Kalat na sa buong school ang ginawa mo ah," sabi ni Samuel Hyung. "Mas maganda nga iyon para aware sila sa gagawin ko," sagot ko. "Sin

