Third Person's Point of View Kalat na sa buong school ang pagbabagong ginawa ni Jayden kahapon. Marami ang pabor sa ginawa niya pero marami rin ang hindi pabor lalo na ang mga estudyante na madalas na rule breaker. "President time na," paalala ni Christine kay Jayden na busy sa binabasa niyang papeles. 'Tignan mo nga naman, dati ayaw na ayaw niyang humarap sa mga papeles pero ngayon kahit hindi ko ipaalala gagawin na niya' sabi sa isip ni Christine. "Noona," Nabalik siya sa wisto ng tinawag siya ni Jayden. "Aalis na ba tayo o tatayo ka lang diyan?" Hindi man lang niya namalayan na nasa pinto na ito. "Heto na," sabi niya at lumapit dito. Nagpunta sila sa parking lot na nasa likod ng office nila para kunin ang ATV. Sumakay siya sa passanger seat habang sa driver seat naman si Jayden.

